Connect with us

Viral

Moving-up ceremony ng isang estudyante, ipinagdiwang ng kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagsasalo-salo sa ilang kahon ng pizza na kanilang binili!

Published

on

Sa kabila ng pandemyang pinagdaraanan pa rin ng marami mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, unti-unti na rin tayong nakakabangon kahit papaano kumpara nitong mga nagdaang taon. Dahil dito ay mas marami na ring mga bagay ang maaaring gawin ngayon na dati ay talagang ipinagbabawal dahil sa pangambang mas dumami pa ang mga kaso ng nahahawa ng delikadong sakit.

Isa na marahil sa mga pinakahihintay ng mga magulang at mag-aaral ay ang pagtatapos o graduation gayundin ang mga moving-up ceremonies sa mga paaralan. Kamakailan lamang ay umantig sa maraming Pilipino ang larawan na ito ng isang estudyanteng ito na nagdiwang ng kaniyang moving-up ceremony sa simpleng pamamaraan lamang.

Bumili kasi ang kaniyang pamilya ng ilang kahon ng pizza at ito ang kanilang pinagsalo-saluhan. Kung marami sa ating mga kabataan ngayon ang talagang nahihilig sa mga mamahaling inumin at pagkain, kuntento naman ang pamilyang ito sa kung anong mayroon sa kanilang hapag-kainan.

“SKL (share ko lang). Moving-up ng kapatid ko today! And this is what we just have. Kain po tayo!” Pahayag ni Justine Mark Cy Valete sa kaniyang post na talagang umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko.

Hindi rin naman nakalimutan ni Justine na magpasalamat sa mga taong nagbigay ng “cash” sa kanilang mag-anak bilang pagbati sa espesyal na araw na ito ng kaniyang kapatid. Malaking tulong daw ang mga halagang iyon para sa kanilang buong pamilya.

Narito ang ilan sa mga naging komento at reaksyon ng publiko sa naturang post:

“Congrats!” Komento ng isang netizen.

“Continue to work hard. Life will keep on giving you the hardest trials but remember the feeling of this moment, it’s what you’ll feel again after overcoming what lie throws your way.” Pahayag pa ng isang netizen.

“Really something to be proud of! Congratulations,” Turan naman ng isa.

“Congratulations! Time will come when you can already afford lahat ng gusto n’yo ihanda.” Pahayag pa ng isa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.