Connect with us

Viral

Isang cyclist ang nakakita sa abandonadong tuta na ito sa gilid ng kalsada kung kaya naman agad niya itong tinulungan at iniuwi sa kanila!

Published

on

Mayroong natagpuang tuta ang cyclist na si Meier Luce Andrade Abreu sa gilid ng kalsada. Hindi naman siya nagdalawang-isip na tulungan ang kawawang tuta at agad niya itong nilagay sa kaniyang “shirt pocket” na tila ba isang mother kangaroo.

Pinangalanan naman niya kalaunan ang tuta na ito bilang si Thor. Noon pa man ay talagang hilig na ni Meier ang pagbibisikleta.

Umulan man o umaraw ay talagang walang mintis siyang nagbibisikleta sa kalapit nilang mga bayan. Nang minsang makakita sila ng kawawang tuta sa daan ay agad na sinabi sa kaniya ng kaniyang kasama na kukunin nito ang tuta kinabukasan dahil wala itong paglalagyan sa kaniya sa kaniyang bisikleta.

Ngunit agad namang sinabi ni Meier na siya na ang kukuha sa tuta dahil baka kung ano pa ang mangyari dito kung iiwan pa nila ito sa tabing-daan. Nang makarating sila sa kanila ay nagkaroon na ng tahanan at pangalan ang tuta.

Agad din nilang pinasuri sa doktor ang tuta kung mayroon ba itong sakit o karamdaman. Nalaman naman nilang nasa mabuti itong kalagayan.

Hindi nag-iisa si Thor dahil mayroon pang apat na mga aso si Meier. Talagang noong una ay aakalain mong hindi magkakasundo ang mga asong ito ngunit nang lumipas pa ang ilang araw ay talagang nagkasundo rin naman silang lahat.


Tunay ngang mapalad si Thor dahil isang katulad ni Meier ang nakapulot sa kaniya. Para kasi kay Meier, walang masama sa pag-aampon ng mga hayop tulad na lamang halimbawa ng aso dahil maging sila ay mayroon ding damdamin na maaaring nasasaktan lalo na sa ginawa sa kanilang pag-aabandona ng kanilang dating mga amo.

Sa ngayon ay masaya at ligtas na si Thor sa piling ng kaniyang bagong pamilya at bagong tahanan. Sana ay mas marami pang mga tao ang tumulong sa mga tulad ni Thor na inaabandona at pinababayaan na lamang ng kanilang mga amo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.