Connect with us

Viral

Isang babae ang nagtatrabaho bilang isang “cat-sitter” na nagagawa ring makapamasyal sa iba’t-ibang panig ng mundo!

Published

on

Marahil ay narinig na ninyo ang kasabihan na hanapin mo ang trabaho kung saan ka masaya dahil pag nagawa mo ito ay tiyak na hindi ka na magtatrabaho pa kailan man. Ibig sabihin, hindi mo mararamdaman na nagtatrabaho ka, hindi ka mapapagod nang husto at magsasawa kung talagang gusto mo ang iyong ginagawa.

Isa na marahil sa may pinakamagandang trabaho sa buong mundo ang 33 taong gulang na si Madolline Gourley na nagtatrabaho bilang isang “cat-sitter”. Halos nasa $28,000 o katumbas ng 1.5 milyong piso rin ang kaniyang natitipid sa pagbiyahe o pamamasyal sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Siya ay nakatira sa Brisbane, Australia at talagang nagkakaroon siya ng mga alagang pusa mula Australia at Estados Unidos. Ayon sa naging pahayag niya, nakakatipid siya nang husto sa “accommodation” at “travel expenses” niya sa tuwing nag-aalaga siya ng pusa ng kaniyang mga kliyente.

Sa kaniyang trabaho ay madalas na tumitira siya sa bahay ng kaniyang kliyente ng tatlong buwan habang inaalagaan niya ang mga naiwang pets o alaga ng naturang kliyente. Para daw siyang naninirahan lang nang normal sa isang bahay, ngunit hindi ito kaniyang bahay kundi bahay ng ibang tao.

Maliban daw sa libreng pagtira ay sagot din ng kaniyang mga kliyente ang kaniyang pagkain, groceries, at maging ang libreng paggamit ng kotse ng mga ito.
“House and pet sitting can be a great staycation alternative. Live it up in a nicer part of your city for a bit. Or if you wanted to get away for a long weekend, a house sit a few hours drive away might come up,” pagbabahagi pa niya.

Dagdag pa niya, hindi naman daw mahirap alagaan ang mga pusa. Dahil ang gagawin mo lamang ay pakainin sila isang beses sa umaga at isang beses sa gabi.

Maaari din silang kumain ng biskwit bilang snack nila sa hapon. Wala naman daw mahirap sa kaniyang mga ginagawa at talagang masaya siya sa ganitong trabaho niya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.