Connect with us

Animals

Isang nakamamatay na ahas ang agad na nakita ng alagang aso bago pa man nito matuklaw ang kaniyang amo!

Published

on

“Dogs are a man’s best friend.” Madalas na nating marinig ang mga katagang ito at marami na rin ang naging patotoo o patunay nito.

Hindi lamang kaibigan at kasama ang matatagpuan natin sa mga alaga nating aso kundi talagang gagawin nila ang lahat maprotektahan lang tayo sa tiyak na kapahamakan. Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa video na ito kung sana makikita ang isang lalaking nakaupo sa hardin ng kanilang tahanan na abalang-abala sa kaniyang ginagawa.

Hindi niya napansin ang isang Eastern brown snake na nasa kaniyang paanan. Agad din namang napansin ng alagang aso ang makamandag na ahas kung kaya naman agad itong tumakbo patungo sa kaniyang amo.

Nang mapansin ng amo ang kaniyang alagang aso ay agad din niyang nakita ang ahas kung kaya naman nakaiwas siya kaagad. Buti na lamang at naalarma siya ng kaniyang aso dahil kung hindi ay tiyak na matutuklaw siya ng ahas!

Maaaring maliit lamang ang ahas na iyon, ngunit itinuturing na “second most venomous terrestrial snake in the world” ang mga Eastern brown snake ayon na rin sa Australian Geographic.


“Fast-moving, aggressive and known for their bad temper, eastern brown snakes, together with other browns are responsible for more deaths every year in Australia than any other group of snakes. Not only is their venom ranked as the second most toxic of any land snake in the world (based on tests on mice), they thrive in populated areas, particularly on farms in rural areas with mice. Its venom causes progressive paralysis and stops the blood from clotting, which may take many doses of anti-venom to reverse. Victims may collapse within a few minutes.” — Australian Geographic.

Laking pasasalamat din naman ng hindi na pinangalanang lalaki na naroroon ang kaniyang aso upang siya ay iligtas mula sa matindi at tiyak na kapahamakan.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.