Connect with us

Animals

Isang park ranger ang lumapit at nakiramay sa isang gorilla na nawalan ng kaniyang ina!

Published

on

Marahil madalas na nating marinig ang mga katagang kayang tiisin ng mga anak ang kanilang mga magulang. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay marami din namang mga anak ang talagang nagmamahal, rumerespeto, at nagmamalasakit sa kanilang mga magulang.

Iba-iba man tayo ng paraan kung paano maipararamdam sa ating mga magulang o mga anak ang ating pagmamahal, hindi maipagkakaila na talagang kaya nating ibigay ang kahit ano para sa ating mga magulang. Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa larawan na ito ng isang park ranger na talagang dinamayan at nilapitan ang isang gorilla na nawalan ng kaniyang ina.

Nakuhan ng wildlife photographer na si Phil Moore ang naturang pangyayari. Dahil sa “poaching” ay naulila na sa ina ang gorilla na ito kung kaya naman ganoon na lamang ang labis niyang kalungkutan.

Nang malaman ito ng park ranger na si Patrick Karabaranga ay hindi ito nagdalawang-isip na puntahan ang gorilla, lapitan, at kamustahin ito na para bang isang tunay na kaibigan. Ang mga nakakamanghang larawan ay kuha sa Virunga National Park sa “Democratic Republic of Congo”.

Sa lugar na ito naninirahan at nanatili ang mga ulila nang gorilla dahil na rin sa talamak na “poaching” sa lugar. Naging “critically endangered species” ang mga gorilla dahil na rin sa “mass deforestation”.

Maliban sa “poaching” ay talagang problema rin nila ito. Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang kaibigan na nariyan lamang sa ating tabi sa oras na kailangan natin siya. Tulad na lamang ng mabait na park ranger na ito.
Tiyak na ramdam din naman ng gorilla ang pakikiramay at pagmamalasakit sa kaniya ng lalaki. Magkaiba man sila ng uri – isang hayop at isang tao ay talagang tila nagkakaintindihan silang dalawa.

Kahit marami pa tayong dapat gawin upang masiguradong hindi na mauulit pa ang mga ganitong klase ng insidente, hindi pa rin natin maiwawaksi sa isipan ng marami na mayroon pa ring mga taong nananakit at kumikitil sa buhay ng mga kawawang hayop na ito.


Copyright © 2022 The Life Feed.