Connect with us

Inspiring

Isang estudyanteng nagtapos ng junior highschool, proud na proud sa kaniyang ama na isang construction worker kung kaya naman hinandugan niya ito ng medalya!

Published

on

Edukasyon ang isa sa mga kayamanang nais sa ating ipamana ng ating mga magulang. Pahirap man ng pahirap ang buhay nating mga Pilipino, talagang nagsusumikap ang maraming mga magulang na igapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ang pagtatapos kasi ng kolehiyo sa ngayon ang isa sa mga magagawa natin upang masiguro ang magandang kinabukasan natin. Kung kaya naman kahit gaano kahirap ang magbanat ng buto at maghanap ng pera ay talagang sinusuong ng ating mga magulang ang mga pagsubok na ito para sa ating mga anak nila.

Kamakailan lamang ay pinusuan ng maraming mga netizens ang ginawang ito ng isang estudyante sa kaniyang ama. Siya ay nakilala bilang si Sheila Rebayla na nagtapos ng junior highschool sa Misamis, Oriental.

Hulyo 1 nang magbahagi siya ng video na talagang kumurot sa puso ng maraming mga netizens. Kitang-kita kasi sa naturang video kung paano niya sinorpresa ang kaniyang ama na isang construction worker.

Habang nagwawalis ito sa kanilang site ay agad itong sinabitan ng medalya ni Sheila. Nagulat ang kaniyang ama na si Leonardo Rebayla sa ginawa ng kaniyang anak ngunit nang makita niyang mga medalya pala ng kaniyang anak ang sinabit sa kaniya ay talagang tuwang-tuwa ito.

Walang mapagsidlan ang kaniyang kaligayahan at talagang napaindak pa nga siya ng mga oras na iyon. Para naman kay Sheila, hindi niya ikinahiya kailanman ang trabaho ng kaniyang ama.

Proud siya sa kaniyang ama dahil napakasipag nito at talagang ginagawa ang lahat para sa kanilang buong pamilya. Mahirap man ngunit talagang nagsasakripisyo ito sa araw-araw kahit pa gaano kahirap ang kanilang trabaho dahil nais niyang matupad ang pangarap ng kaniyang anak na si Sheila na maging isang arkitekto balang-araw.

Nangako rin naman si Sheila na hinding-hindi niya makakalimutan ang mga sakripisyong ito ng kaniyang ama para sa kaniyang pag-aaral, para sa kaniyang pangarap, at para sa kanilang buong pamilya.


Copyright © 2022 The Life Feed.