Connect with us

Inspiring

Mag-asawang nagsimula sa iba’-t ibang mga raket mayroon na ngayong sarili nilang “house & lot”, “brand new car”, sariling pwesto sa palengke at ilang mga apartment!

Published

on

Mahirap talaga ang buhay at napakaraming mga pagsubok ang ating pagdaraanan habang tayo ay nabubuhay. Ngunit hindi kailan man magiging hadlang ang mga problemang ito upang hindi natin maabot ang ating mga pangarap.

Source: Libertie Belisario

Nito lamang Mayo 1, 2021 ay ibinahagi ni Libertie Belisario sa kaniyang social media account kung paano sila nagsimula ng kaniyang mister sa kanilang mga raket. Una na niyang ibinahagi ang larawan nila ng noon ay nobyo pa lamang niya at ngayon ay mister na niya.

Source: Libertie Belisario

 

Noon ay pareho pa silang nagbabantay sa pwesto ng kanilang mga kapatid na mayroong negosyo. Nang binyagan ang panganay nilang anak ay wala pa rin silang pera ng mga panahong iyon.

Source: Libertie Belisario

Ilang taon ding nagtrabaho si Libertie sa isang construction industry. Isa sa kaniyang mga raket noon ang pagtitinda online ng sari-saring mga paninda. Naging top seller din siya ng kanilang branch mismo.

Source: Libertie Belisario

Ang kaniyang asawa naman ay nagsikap ding magtinda ng ilang mga gulay na nilalatag lamang nila sa pamilihan. Maswerte ang kaniyang mister pagdating sa pagnenegosyo at kahit pa nga galing lamang sa paluwagan ang kanilang puhunan ay talagang nagagawa itong palaguin ng kaniyang mister.

Source: Libertie Belisario

Kalaunan ay nakapagpundar din sila ng bigasan na naging sari-sari store. Hindi pa nagtagal ay sinubukan din nilang magbukas ng gym ngunit hindi ito nagtagumpay kung kaya isinara na lamang nila.

Source: Libertie Belisario

Maging ang secondhand na sasakyang binili nila noon ay ibinenta na rin nila dahil naging magastos din ang pagpapakumpuni nito. Sumubok din ng ukay-ukay business si Libertie kung saan siya mismo ang modelo ng kaniyang mga ibinebentang damit.

Source: Libertie Belisario

Todo kayod silang mag-asawa kung kaya naman sa ngayon ay mayroon na rin silang tindahan ng sibuyas at bawang sa Balintawak na halos nagkakahalaga na rin ng 1 milyong piso. Nag-invest din sila sa TPC na naging matagumpay kung kaya naipatapos na nila ang kanilang “dream house” na mayroong 5 kwarto, 3 banyo, gym, office area, at Jacuzzi.

Source: Libertie Belisario

Mayroon din silang ilang mga paupahang apartment at sa ngayon ay plano nilang makabili ng isang farm.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media