Connect with us

Inspiring

12 taong gulang na batang lalaki, naka-graduate ng sabay sa hayskul at kolehiyo sa gitna ng pandemya!

Published

on

Ang pag-aaral ang isa sa pinakamahalagang bagay na nais ng ating mga magulang na ating matapos. Halos ilang taon rin ang kakailanganin mong bunuin bago mo matapos ang “pre-school”, elementarya, hayskul, at kolehiyo.

Mayroon pang masteral at doctorate na tatagal ng dalawa hanggang apat o anim na taon. Talagang napakahabang panahon ang dapat nating gugulin sa pag-aaral kung kaya naman marami din ang tila tinatamad na sa paglipas ng panahon.

Ngunit wala ito sa bokabolaryo ng 12 taong gulang na si Mike Wimmer mula sa North Carolina. Nakakamangha kasi talagang makapagtatapos siya ng sekondarya at kolehiyo sa darating na Mayo 28, 2021.

Masipag at matiyagang estudyante si Mike kung kaya naman sinamantala na niya ang panahon ng pandemya upang makapagtapos ng pag-aaral, maging ng kolehiyo. Sa loob lamang ng isang taon ay natapos na niya kaagad ang hayskul at ang kaniyang pagkokolehiyo na mayroong associate degree.


Nagtapos siya bilang “Valedictorian” ng Concord Academi High School habang sa Rowan-Cabarrus Community College naman siya nagtapos ng kaniyang kolehiyo. Proud na proud naman ang kaniyang mga magulang dahil noon pa man ay talagang hilig na ng kanilang anak ang mag-aral.

Sa katunayan ay isang taong gulang pa lamang siya noon nang magkaroon siya ng sarili niyang iPad kung saan nagsimula ang kaniyang “curiosity” patungkol sa maraming mga bagay. Tinagurian din siyang “Math and Science Guy” dahil sa interes niya sa mga subject na ito at lalo na sa Robotics.

Mayroon na rin siyang sarili niyang start-up na tinawag niyang “Reflect Social”. Layunin niyang matulungan ng teknolohiya ang maraming mga indibidwal upang mas mapabuti ang kanilang buhay.

Marami man daw taong nagsasabi na hindi na niya naranasan ang pagiging isang bata dahil sa mga ginagawa niyang ito, binigyang-diin naman niyang masaya siya sa kaniyang mga nakakamit ngayon at sinabi pa niyang: “I’m having the time of my life.”


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media