Connect with us

Stories

Isang criminology student, inialay ang kaniyang pagtatapos para sa kaniyang ina na mayroong karamdaman sa pag-iisip!

Published

on

Sa pag-abot ng ating mga pangarap, talagang mayroon tayong tao o mga tao na kinakapitan at nagsisilbing inspirasyon upang hindi tayo sumuko at talagang mas lumaban tayo sa maraming hamon ng buhay. Nitong mga nagdaang taon, talagang hindi naging madali ang lahat, marami tayong naranasan na sakuna, kalamidad, pandemya, kahirapan, at marami pang iba.

Ngunit hindi natin hinayaang masiraan tayo ng kalooban at tuluyan nang sumuko sa buhay. Ito ay dahil sa mga taong umaasa sa atin, mga taong nagmamahal at sumusuporta sa atin.

Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwento na ito ng isang criminology student na nakilala bilang si Christian. Ang kaniyang ina ay mayroong sakit sa pag-iisip kung kaya naman hindi niya ito nakasama sa kaniyang graduation.

Sa kabila nito ay masaya pa rin niyang inialay sa kaniyang ina ang kaniyang pagtatapos. Ipinakita niya rito ang kaniyang graduation picture at ang kaniyang medalya.

Tuwang-tuwa din naman daw ang kaniyang ina na makita ang kaniyang larawan at ang kaniyang naging tagumpay. Ibinahagi rin niya na sa araw mismo ng kanilang pagtatapos, nakita niyang kumpleto at masaya ang pamilya ng kaniyang mga kamag-aral.

Samantalang siya ay mag-isa lamang dahil sa kalagayan ng kaniyang ina. Sa kabila nito ay hindi siya nagalit o nagdamdam.

Bagkus ay mas nagkaroon pa siyang inspirasyon at determinasyon dahil ang lahat ng kaniyang ginagawa ay para sa kaniyang pinakamamahal na ina.

“Sobrang saya na nakita ko si Mama na masaya dahil sa tagumpay na ito. Lahat kasi ng pinagdaanan ko, ‘yung success, dahil ‘yun kay Mama. Siya ‘yung nagbigay sa akin ng inspirasyon at motivation para makapagtapos. Marahil hindi niya ito maalala, o naguguluhan siya, pero hindi iyon pipigil sa akin para ialay sa ina ko, ang unti-unting pagtupad ng mga pangarap ko.” Pahayag ni Christian.

@tisoy57 Reply to @jellianoraquiza congratulations 👏 mother ikaw ang dahilan nito..say to your mother that you love her #foryourpage ♬ MAPA – SB19

Tunay nga na wagas ang pag-ibig ni Christian sa kaniyang ina at ang pagmamahal ng kaniyang ina para sa kaniya na hindi kayang tumbasan ng kahit ano pa man.


Copyright © 2022 The Life Feed.