Connect with us

Inspiring

Wilie Revillame, nagbigay ng donasyon na 9 na milyong piso para sa mga taong naapektuhan at nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao!

Published

on

Noon pa man ay talagang kilala nang pilantropo ang 60 taong gulang na si Willie Revillame. Siya ay si Wilfredo Buendia Revillame sa tunay na buhay. Isa siyang TV host, komedyante, singer, songwriter, aktor, at negosyante.

Kung sa kaniyang kabataan ay mulat siya sa hirap ng buhay, naging mapalad naman siya nang pumasok siya sa showbiz at nabigyan nang pagkakataon na magtrabaho, kumita, at maging isa sa pinakamayamang Pilipino sa bansa. Sa kabila ng katanyagan at kayamanan na kaniyang tinatamasa ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kaniya ang likas niyang pagtulong sa mga taong nangangailangan.

Marami ang talagang humahanga sa kaniya dahil napakabait at napakamatulungin nito. Sa katunayan pa nga ay nag-aral talaga siyang maging isang piloto upang agad na makatulong at makasaklolo sa mga Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.

At nang nanalanta nga ang bagyong Odette sa bansa ay hindi rin siya nagdalawang-isip na tumulong. Sa ngayon ay naglaan siya ng 9 na milyong pisong tulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo sa Siargao.


Ang lugar na ito ay isa sa mga itinuturing na paraiso hindi lamang ng mga Pilipino kundi maging ng mga dayuhang turista na talagang dumarayo pa sa Pilipinas upang maranasan ang mga magagandang tanawin natin dito. Ngunit sa ngayon ay talagang naapektuhan ito ng matindi dahil sa bagyo.

Ayon sa ilang mga ulat, siyam na bayan sa Siargao ang pinaglaanan ng tulong ni Kuya Wil upang kahit papaano ay magkaroon sila ng tig-iisang milyong piso para sa bubong at pagkain ng mga pamilya roon. Humalili din naman sa kaniya ang komedyanteng si Michael V. bilang si Kuta Wowie habang siya ay nag-aabot ng tulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng bagyong Odette.

Tunay nga na mayroong mabuting puso at kalooban si Kuya Wil kung kaya naman marami din talaga ang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.