Connect with us

Uncategorized

πΌπ“ˆπ’Άπ“ƒπ‘” π’Άπ“ˆβ„΄ 𝒢𝓃𝑔 π“ƒπ’Άπ’½π’Ύπ“‚π’Άπ“‰π’Άπ“Ž π“‚π’Άπ“‰π’Άπ“…β„΄π“ˆ π“‚π“Šπ“π’Ύπ“ƒπ‘” 𝓂𝒢𝓀𝒾𝓉𝒢 𝒢𝓃𝑔 π“€π’Άπ“ƒπ’Ύπ“Žπ’Άπ“ƒπ‘” 𝒢𝓂ℴ π“‚π’Άπ“€π’Άπ“π’Ύπ“…π’Άπ“ˆ 𝒢𝓃𝑔 π’Ήπ’Άπ“π’Άπ“Œπ’Άπ“ƒπ‘” 𝓉𝒢ℴ𝓃!

Published

on

Sobra sobrang kagalakan at pangungulila marahil ang naramdaman ng isang schnauzer na ito nang muli niyang makita ang kaniyang amo. Ang aso na ito ay nakilala bilang si Casey.

Hindi inaasahan ng kaniyang mga tagapag-alaga na bigla na lamang itong mahihimatay! Dalawang taon na ang nakararaan nang kinailangang umalis ni Rebecca Ehalt patungong SlΞΏvenia.

Hindi niya gustong iwanan ang alaga niyang si Casey na noon ay siyam na taong gulang pa lamang ngunit wala rin siyang nagawa. Dahil sa nais niyang maging maayos at komportable pa rin ang buhay ng kaniyang alaga kahit wala na siya.

Minabuti niyang paalagaan muna ito sa kaniyang pamilya. Maaaring dalawang taon lamang ito para sa atin ngunit para sa mga aso tulad ni Casey ay halos 14 na taon na ito.

Makalipas ang dalawang taon, sa wakas ay muling nakauwi si Ehalt sa Murrysville, Pennsylvania. Nakauwi siyang muli dahil mayroong inihandang β€œwedding reception” ang kaniyang mga magulang para sa kaniya at sa kaniyang asawa.


Nang mga oras na iyon ay walang ibang nasa isip si Ehalt kundi ang muli nilang pagkikita ng kaniyang alaga. Ngunit nagulat siya dahil mas nanabik at mas nangulila pala sa kaniya ang kaniyang alagang si Casey sa puntong nahimatay pa nga ito!

Kahit na tuwang-tuwang rin si Ehalt sa kanilang muling pagkikita ng pinakamamahal niyang alaga ay hindi pa rin nito maiwasang mag-alala kung kaya naman dinala nila ito agad sa doktor. Nang ipinakita nila sa doktor ang nakuhanan nilang video ay sinabi naman ng doktor na ayos lamang ang kanilang aso at wala silang dapat na ipag-alala.

Sobrang naligayahan lamang daw ang kanilang aso nang makita si Ehalt kung kaya ito nahimatay. Ayon naman kay Rachel Abbett na kapatid ni Ehalt, batid daw niyang miss talaga ni Casey ang kaniyang amo ngunit hindi niya lubos akalain na mahihimatay talaga ito!



Continue Reading

Copyright Β© 2022 The Life Feed.