Connect with us

Viral

Isang ligaw na pusa na magalang na humihingi ng pagkain sa isang kostumer, kinagigiliwan ngayon online!

Published

on

Buhat nang gumaan-gaan na ang sitwasyon ng maraming mga bansa buhat nang magkaroon ng COVID-19 sa buong mundo, mas marami nang mga negosyo ang nakapagbukas at mas marami na ring mga tao ang nabigyan ng pagkakataong makatrabaho. Isa na nga sa mga napagbawalan nitong mga nagdaang taon ay ang paglabas-labas ng mga tao.

Kung kaya naman napakadala talaga ng mga nakakakain sa labas. Ngunit ngayon ay wala nang ipinagbabawal na ganito.

Sa katunayan ay kahit pa nga mga ligaw na pusa at aso ngayon ay nakakagawa na rin ng paraan upang makahanap sila ng makakain. Kung noon, madalas na namamataan natin ang mga pusa na nagtatakbo ng mga pagkain mula sa ilang mga kabahayan, ngayon ay marami na sa kanila ang naghihintay na lamang na mabigyan ng pagkain.

Tulad na lamang halimbawa ng isang video na ito mula sa Thailand. Makikita ang isang kostumer na nakaupo sa mesa at mayroong pusa sa kaniyang tabi.

Marahan siyang kinalabit ng pusa sa kaniyang tabi na tila nakikiusap kung maaari ba siyang makahingi ng makakain sa kaniya. Natuwa naman at hindi nagdalawang-isip ang lalaki na bigyan ang mabait na pusa.


Maraming mga netizens ang natuwa sa ginawang ito ng pusa at marami din ang nagkomento dahil sa kabutihan ng kostumer sa naturang hayop. Marami kasi ang tiyak na ipagtatabuyan ito lalo na at hindi nila sigurado kung ligtas nga ba ang pusang ito.

Pero para sa mas nakararami, talagang tutulungan muna nila ang pusa na ito dahil rin sa sobrang ka-cute-an niya. Marami din namang mga netizens ang nagsasabing, mas mabuti pang mag-ampon na lamang talaga kaysa ang bumili ng mga ibang breed ng aso at pusa.

Tiyak na mas makakatulong pa sila at makakabawas sa mga hayop na walang tahanan sa lansangan at mga bangketa. Ikaw, kung sakaling makakakita ka ng hayop sa daan, bibigyan mo rin ba sila ng makakain?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.