Connect with us

Viral

Isang aso na naputulan ng binti dahil sa isang aksidente, natutong maglakad na animo’y isang tao!

Published

on

Si Dexter ay isang anim na taong gulang na Brittany Spaniel dog. Sa ngayon ay maraming mga netizens ang humahanga sa kaniya dahil sa inspirasyon na dala niya sa publiko.

Matapos kasi ang isang aksidente ay nawalan na siya ng binti kung kaya naman kinailangan na din niya talagang masanay na maglakad gamit lamang ang mga natitira niyang binti. Ayon sa amo ni Dexter, isang taong gulang pa lamang siya noon nang makawala siya sa kanilang bakuran sa Ouray, Colorado.

Hindi naman inaasahan ng pamilya ang sumunod na pangyayari dahil nasagasaan siya ng isang van na talagang naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang mga binti. Buti na lamang ay agad siyang natagpuan ni Tim Pasek na mister ng kaniyang tagapag-alaga.

Dinala siya agad sa doktor ngunit kinailangan nang putulin ang binti niya sa bandang harapan. Alalang-alala ang buong pamilya kay Dexter ng mga panahong iyon, buti na lamang ay makalipas ang 45 minuto ay natapos din ang operasyon sa kaniya at naisalba naman ang kaniyang buhay.

Mula noon ay talagang tinulungan na nila si Dexter upang masanay sa paglalakad gamit lamang ang natitira niyang mga binti. Laking pasasalamat naman ni Kentee Pasek, amo ni Dexter dahil nailigtas pa ang buhay ng kaniyang alagang aso.


Sa ngayon ay gamay na gamay na niyang maglakad na para bang isang tao. Gamit ang kaniyang dalawang binti sa bandang likod ay nakakalakad na siya ng mas mainam kahit pa nga nawala ang dalawang binti niya sa bandang harapan.

Tunay nga na sa kabila ng maraming mga pagsubok ay makakahanap pa rin tayo ng bagay na dapat nating ipagpasalamat. Tulad na lamang ni Dexter na nawalan man ng mga binti ay mayroon pa ring dalawang binti na siyang nagagamit niya upang siya ay makalakad pa rin.

Talaga namang nagsisilbi siyang inspirasyon sa mas maraming mga tao.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.