Connect with us

Viral

Hindi makapaniwala ang marami na ang lalaking ito ay 25 taong gulang pa lamang!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, marami na sa atin ang marunong gumamit ng mga social media platforms. Hindi lamang ito para makapaglibang o magpalipas oras dahil ang iba ay ginagawa rin itong para sa kanilang negosyo at iba pang personal na dahilan.

Nakakalungkot lamang isipin na marami din sa atin ang nahuhusgahan at talagang nabubully sa mga social media platforms na ito. Tulad na lamang ng isang lalaking ito na maraming nag-aakala na matanda na ngunit ang totoo ay batang-bata pa pala!

Isang 25 taong gulang na lalaki ang pumukaw sa atensyon ng publiko dahil sa hindi tipikal nitong hitsura. Si Mr. Zhu ay nakatira sa Zhengzhou. Wala siyang sakit o anumang karamdaman upang magmukha siyang matanda sa kaniyang edad.

Ngunit sadyang mukhang 40-anyos lamang talaga siya kahit ang totoo ay 25 taong gulang pa lamang siya. Ilang mga larawan pa niya ang namataan sa social media kung saan siya ay nakasuot ng isang “out-of-fashion” na damit, “sporting eyeglasses”, at maging ang istilo ng kaniyang buhok ay pang matanda na rin.

Sa kabila ng mga komentong natatanggap niya online ay hindi naman ito pinapansin ni Mr. Zhu. Mayroon pa nga raw ilang pangyayari kung saan madalas siyang nairereport sa ilang mga dating sites dahil sa hindi raw nito pagdedeklara ng tunay niyang edad.

Ibinahagi din niyang ang kaniyang kasuotan ay kailangan para sa kaniyang trabaho. Kahit maraming mga netizens ang nagsasabing matanda siyang tingnan sa kaniyang edad, marami din naman ang nagsasabing kailangan lang niyang magpapayat upang mas magmukha siyang bata.

Mas makabubuti raw talaga ang magbawas siya ng timbang dahil mas makakatulong ito sa magandang pangangatawan niya at magandang kalusugan. Tunay nga na maging aral sana ito sa ating lahat na huwag basta basta na lamang manghusga ng ibang tao base sa kanilang panlabas na anyo.

Bagkus ay matuto sana tayong rumespeto sa ating kapwa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.