Connect with us

Viral

Isang abandonado at ulilang tuta, sumunod sa paglalakad ng isang pamilya na siyang tumulong at kumalinga sa kaniya!

Published

on

Ano nga kaya ang gagawin mo kung isang araw ay mayroon na lamang tuta na sumusunod-sunod sa iyo hanggang sa ikaw ay tuluyan nang makauwi sa inyong tahanan? Tutulungan at kukupkupin mo kaya ito o di kaya naman ay hahayaan mo lang at babalewalain?

Sa ngayon, talagang marami nang mga “pet lovers” at “pet owners” tayong nakakasalamuha sa araw-araw at talaga namang mahirap para sa kanila ang makakita ng mga asong nahihirapan sa lansangan, sa bangketa, at maging sa ilang mga “shelter”. Marahil nasa isipan nila na kung kaya lamang nilang ampunan ang lahat ng mga kawawang hayop dito ay maaaring ginawa na nila.

Ngunit hindi naman lahat sa atin ay mayroong kakayahan na mag-alaga o kumalinga ng mga hayop. Buti na lamang at para sa isang pamilyang ito mula sa Bulgaria, talagang ginusto na rin nilang tulungan at alagaan ang isang tuta na sumusunod-sunod sa kanila hanggang sa makarating sila mismo sa kanilang tahanan.

Batid ng pamilya na wala nang amo ang naturang tuta at talagang abandonado na ito. Nang makarating sa kanilang tahanan ay agad nilang pinakain ang tuta ng “sausage” upang magkalaman naman ang kaniyang sikmura.

Ayon pa sa pamilya, napansin nila kung paano sila tingnan ng tuta kung kaya naman talagang naawa sila. Hindi na rin daw nila maatim na iwanan o pabayaan pa ito lalo na at malayo-layo na rin ang nilakad nito kakasunod sa kanila.


Hindi nagtagal at natapos nang kumain ang tuta. Nagdesisyon ang pamilyang papasukin na siya sa loob ng kanilang tahanan.

Naguguluhan man at maaaring medyo natatakot ay pumasok na rin ang tuta sa loob. Hindi niya marahil lubos akalain na matapos siyang pakainin ng pamilya ay lilinisan at papaliguan pa siya ng mga ito.

Ito na rin ang magiging pagbabago sa kaniyang buhay dahil sa wakas ay nakatagpo na siya ng pamilyang mag-aalaga at magmamahal sa kaniya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.