Connect with us

Viral

Siyam na katao nagtulong-tulong upang mailigtas ang matabang daga na ito mula sa pagkakaipit nito sa isang “manhole cover”!

Published

on

Maraming mga tao ang talagang takot sa ilang mga hayop tulad na lamang halimbawa ng daga. Ngunit ano nga kaya ang gagawin mo kung sakaling makakita ka ng isang matabang daga na naipit sa isang “manhole cover”?

Tatakbo ka ba sa takot o susubukan mong tulungan ang daga na makaligtas mula sa pagkakaipit nito? Mayroong isang insidenteng kung saan ang isang matabang daga ay hindi sinasadyang naipit.

Nang makita ng isang pamilya ang mahirap na kalagayan nito ay agad silang tumawag ng tulong. Ni-report nila na mayroong isang daga ang naipit sa isang “sewage drain cover”.

Nang makita ng mga rescuers ang naturang daga ay sigurado agad silang hindi ito tipikal na daga lamang dahil talagang malaki at mataba ito. Marahil ay hindi nito inaasahang maiipit siya sa manhole cover.

Wala mang nakakaintindi sa kawawang daga ay batid naman ng mga taong naroroon na talagang humihingi ito ng tulong. Dagdag din ng mga rescuers, kahit pa nga nasa mahirap na kalagayan o sitwasyon ang daga ay sigurado rin silang malusog ang pangangatawan nito at nasa mabuti itong kondisyon.


Sadyang napakataba lamang nito para makalusot pa sa naturang butas.

“We weren’t able to rescue the rat alone. So we called the volunteer firefighters,” Pahayag ni Andreas Steinbach, spokesperson ng Berufstierrettung Rhein Neckar.

Bagamat naging katatawan ito para sa iilan, talagang seryoso naman ang mga rescuers na mailigtas ang naturang daga mula sa kaniyang kalagayan. Sinubukan din nila kung mailalabas nila ang daga mula sa loob mismo ng manhole cover upang hindi na nila sirain pa ang kabuuan nito.

Maya-maya pa ay matagumpay na nilang nailigtas ang daga.

“He made a brief look back at us, as if to say, ‘Thank you—and yes, I know I need to go on a diet’,” komento pa ni Steinbach.

Umani ito ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.