Connect with us

Viral

Reaksyon ng isang alagang aso matapos siyang ipa-CBC test ng kaniyang amo, kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang asong ito mula sa Davao matapos siyang kuhanan ng dugo para sa kaniyang CBC test. Ang naturang aso ay nakilala sa pangalan niyang Thali.

Ang owner ni Thali mismo na si Sonia Tata William ang nagbahagi ng ilang mga larawan niya sa social media kung saan talagang bakas na bakas sa kaniyang mukha ang labis na takot. Ayon pa sa naging pagbabahagi ni Sonia, noon pa man ay takot na raw talaga sa karayom ang kaniyang alaga kung kaya naman ganoon na lamang ang naging reaksyon nito.

Nang araw daw na iyon ay talagang kukuhanan ng dugo ang kaniyang mga rescued dogs.

“I viewed these pics many times paulit-ulit. Kuha kanina during blood extraction ng mga Vet sa mga rescue dogs ko. Late ko na napansin hitsura ni Thali after ni-review ko mga pics. Nakakatawa talaga facial expression ni Thali… ang rescue dog namin na takot na takot sa needle.” Pahayag ni Sonia.

Nilinaw din naman ni Sonia na hindi naman daw nagpumiglas pa ang kaniyang alaga sa ikalawang CBC test nito. Yun nga lang ay talagang hindi na raw maipinta pa ang mukha nito.

Hindi lamang pala sa injection o sa karayom takot si Thali dahil maging sa oras ng pagligo ay talagang nakikipaghabulan pa ito sa kanila. Kapag nahuli na raw nila ito ay saka tititig sa kanila na tila ba nagmamakaawa na huwag siyang babasain o huwag siyang papaliguan.


Para naman daw mapakalma ang kaniyang alaga habang kinukuhanan nito ng dugo ay talagang siya mismo ang humawak at yumakap dito na naging epektibo naman. Talagang hindi magkamayaw ang maraming mga netizens sa mga larawan na ito ni Thali.

Marahil ay hindi lamang kasi mga hayop ang talagang takot sa tusok ng karayom kundi maging karamihan sa atin ay takot na takot din dito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.