Connect with us

Viral

Isang teenager ang nagbukas ng isang kakaibang animal shelter na ngayon ay mayroon nang 26 na mga hayop!

Published

on

Si Eduardo Caioado aay 17 taong gulang na Brazilian mula sa Anapolis. Noon pa man ay talagang mahilig na siya sa maraming mga hayop. Siyam na taong gulang pa lamang siya noon ay madalas na siyang magligtas o mag-rescue ng mga hayop sa kanilang komunidad.

Isang buwan na ang nakalilipas mula nang magbukas siya ng kakaibang animal shelter na pinangalanan niyang “EduPacoca Institute”. Ayon kay Eduardo, nais niyang maging mas maayos ang ating mundo kung kaya naman naisipan niya ang pagbubukas ng animal shelter na ito.

“This year, I accomplished a long-held dream of mine: I founded my institute.” I rented a house and had sponsors helped me with my expenses. I go there every day. I occasionally hitchhike or ride my bike for 30 kilometers, but it is always precisely what I had hoped for.” Komento ni Eduardo.

Hindi rin daw siya humihingi ng deposito para sa mga tuta na kaniyang inaampon sa kaniyang animal shelter bagkus ay nais niyang mabigyan ang mga ito ng tunay na tahanan. Nais din daw niyang malaman ng mga hayop na ito na kahit hindi man sila makahanap ang magiging bagong tirahan nila ay hindi niya sila iiwanan hanggang sa kaniyang huling hininga.

Lumipas pa ang ilang mga araw at buwan at nadagdagan na naman ang kaniyang mga inaalagang hayop. Dahil sa sobrang lamig sa kanilang lugar ay maraming mga hayop ang nasasawi dahil sa hypothermia at iba pang mga karamdaman.


Ang kaniyang animal shelter ay mayroong recreational nursery kung saan nagbibigay siya ng maraming aktibidad sa mga hayop dito upang maihanda sila sa pag-ampon ng bago nilang mga pamilya.

“I want the institute to become far more than just a safe haven. I want them to be happy and healthy in the recreational childcare setting so that they can be adopted.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.