Connect with us

Viral

Mga rescued dogs, nagbigay kaligayahan at inspirasyon sa mga matatanda sa nursing home na ito!

Published

on

Aminin man natin o hindi, madalas na gumagaan ang ating mga pakiramdam sa piling ng ating mga alagang hayop. Aso man iyan, pusa, isda, o kahit mga exotic pets, tila ba nawawala ang ating pagod at stress sa araw-araw.

Ngunit higit pa rito, marami din pala silang maitutulong sa mga matatanda na tumutuloy sa ilang mga nursing homes o home for the aged. Sa Instagram post ng HammondCare, isang Christian charity para sa mga nakatatanda, labis silang nagpasalamat sa Greyhound Rescue dahil sa pagbibigay nila ng suporta sa bago nilang layunin na mabigyan ng kaligayahan at panibagong sigla ang mga matatanda sa pamamagitan ng mga rescued dogs.

“I am delighted that one part of this Le Engagement Pilot is evaluating how animal engagement and support can improve quality of life for residents,” Pahayag ng HammondCare CEO na si Mike Baird.

“What a wonderful outcome if rescued greyhounds can be given a new purpose providing happiness for those who are older in the community,” dagdag pa niya.

Sa naturang programa ay nagkaroon ng pagsasanay ang mag rescued greyhounds na ito upang maihanda sila sa “residential aged care environment”.


“Greyhound Rescue has partnered with HammondCare to bring a spark of joy and companionship to people in residential aged-care homes. The program is based around regular visits from Greyhound Rescue teams of a Hound + Handler with the initial focus on HammondCare clients living with dementia,” Komento naman ng Greyhound Rescue sa kanilang website.

Ang mga asong ito raw ay talagang sinanay para sa mga aged care services. Isa sa mga natural na katangian nila ay pagiging kalmado at talagang matangkad sila na tamang-tama lamang para sa mga matatandang hindi na nakatatayo o di kaya naman ay nakasakay na lamang sa kanilang mga wheelchair.

Maingat din daw ang naging pagpili at pagsasanay sa mga asong ito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.