Connect with us

Viral

OFW, bumili ng balut sa Pilipinas ngunit nang makarating na ito sa Kuwait ay nagulat siya dahil isa na itong buhay na itik!

Published

on

Noon pa man ay marami na talaga tayong mga kababayan na nagbabakasali sa ibang bansa bilang mga Overseas Filipino Worker o OFW. Mas malaki kasi ang kinikita nila dito kaysa sa Pinas kung kaya naman talagang tinitiis nila ang sakripisyo at hirap sa ibang bansa.

Sa ngayon ay isa na rin sila sa mga nag-aangkat ng dolyar sa Pilipinas. Madalas ay nakakarinig tayo ng mga balita patungkol sa mga OFW na namomolestiya o naabuso ng kanilang mga amo.

Nakakalungkot ang mga balitang ito ngunit ito talaga ang reyalidad. Hangga’t maaari ay ayaw nating maranasan ito at ayaw nating maranasan ito ng mga mahal natin sa buhay na wala namang ibang nais kundi ang mapagaan ang ating mga buhay dito sa Pinas.

Sa kabila nito ay marami pa rin naman ang nagiging matagumpay sa ibang bansa at nakakahanap ng mga mababait na amo at magagandang klase ng trabaho. Sa perang kanilang kinikita ay nakakaipon sila kahit papaano at nakakapagpadala din sila sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pinas.

Kamakailan lamang, isang OFW ang nagbahagi ng isang video sa isang sikat na platform kung saan makikita ang binili niyang balut sa Pilipinas na naging isang buhay nang itik pagdating sa kaniya. Ang naturang video ay umani na ng higit sa 6.7 milyong views.


Kapansin-pansin ang ginawa niyang “unboxing” kung saan ginunting pa niya talaga ang naturang lalagyan kung saan unti-unti nang dumudungaw ang buhay na itik. Talaga namang maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga komento at reaksyon sa naturang video.

Sinong mag-aakala na isa sa mga paboritong pagkain ng mga Pilipino ay makakarating pa ng Kuwait? Hindi bilang isang balut kundi bilang isang alaga. Pinangalanan itong “Balut”.

@mclovinyhow Shawarawt bibi balut 😜😂 #balut #ofwkuwait🇰🇼🇵🇭 #itik #kapampangan #fyp ♬ ZOOM – Jessi

Tunay ngang nakakatuwa na makakita ng isang itik na nabuhay mula lamang sa pagiging isang itlog ng balut na bumiyahe pa mula Pinas patungong Kuwait!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.