Connect with us

Viral

Isang sundalo, hindi makaalis patungo sa kaniyang trabaho dahil nakabantay ang kaniyang anak sa kaniya!

Published

on

Para sa mga ordinaryong mamamayan, sa tuwing nakakakita tayo ng mga sundalo, militar, at pulis, madalas ay nangangamba tayo lalo na kung marami ang bilang nila. Maaari kasing may kaguluhan silang inaayos o kriminal na hinuhuli.


Ngunit para sa iilang pamilya, lalo na ang mga Pilipino na mayroong kapamilyang pulis, sundalo, at militar, proud sila dahil mayroong katulad nila na nagsasakripisyo para sa ating bayan at para sa kapakanan ng nakararami. Maraming mga netizens ang naantig sa video na ito na ibinahagi ni “Momi Mahria” sa kaniyang Tiktok account.

Makikita kasi dito kung paano pigilan ng isang batang babae ang kaniyang ama na sundalo sa pag-alis nito. Patungo ito marahil sa kaniyang trabaho kung kaya naman talagang hinarangan ng bata ang kaniyang daraanan.

Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 885,000 na mga reaksyon, 15,000 comments, at 83,000 shares. Umani ito ng maraming komento mula sa publiko dahil naging karanasan din naman ito ng marami sa atin.


Hindi madali at hindi talaga biro ang pagiging isang sundalo ngunit nagagampanan nila ito ng buong husay at buong katapangan. Tunay ngang napakahirap ng ganitong sitwasyon lalo na kung maliit pa ang ating mga anak at hindi pa maiintindihan ang mga bagay na ating ipinaliliwanag sa kanila.

Napakahalaga ng gampanin ng mga sundalo at kapulisan natin. Sila ang nagpapatupad at nagpapanatili ng kapayapaan sa ating bayan.


Kung kaya naman napakalaking paghihinagpis talaga kung mababawasan sila sa kanilang hanay. Maraming mga pamilya ang nawawalan ng haligi ng tahanan at maraming mga bata ang nawawalan ng ama.

Kung kaya naman para sa mga kababayan nating Pilipino, huwag sana nating kalimutan ang pagsasaksripisyo nila para sa ating lahat. Gayundin ang nagiging karanasan ng mga batang tulad ng nasa video na nais man niyang hindi paalisin ang kaniyang ama ay wala siyang magagawa dahil prayoridad ng kaniyang ama ang mas nakararami.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.