Connect with us

Viral

Isang OFW, nakatanggap ng napakagandang sorpresa mula sa kaniyang amo na isang sikat na YouTuber!

Published

on

Noon pa man ay marami na tayong mga kababayan na nagbabakasakali sa ibang bansa upang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang mga pamilya. Hindi nila alintana ang pagsasakripisyo at paghihirap sa dayuhang bayan para lamang matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa isang Overseas Filipino Worker (OFW) na ito matapos siyang sopresahin ng kaniyang amo. Ang kaniyang amo ay isang sikat na YouTuber na nakilala bilang si Supercar Blondie.

Nakabase sila sa Dubai kung saan doon din nagtatrabaho ang OFW na si Avelina. Sa dalawa at kalahating taon niya sa poder ng kaniyang amo ay wala naman siyang naging problema.

Puro papuri ang naging paglalarawan sa kaniya ng kaniyang amo at ng team nito. Siya raw ay napakasipag ar napakapositibong tao.

Wala siyang karekla-reklamo sa lahat ng bagay na kaniyang ginagawa sa araw-araw. Kahit pa nga raw ang mga gawain na ito ay admin works o maging gawain na ng mga PA.


Maging ang mga alagang aso ng kaniyang amo ay talagang hindi niya pinababayaan. Kung kaya naman nagdesisyon ang kaniyang amo na sorpresahin siya ng isang kahon na puno ng pera!

Ang pera na ito ay makatutulong raw sa kaniya upang mapagtapos na niya ng kolehiyo ang kaniyang anak at mapaayos din ang bahay niya dito sa Pilipinas. Wala namang pagsidlan ng kagalakan niya si Avelina dahil hindi rin biro ang trabahong dapat niyang gawin upang kitain ang bawat sentimo na ipinapadala niya sa kaniyang pamilya.

Sa ngayon ay umaasa ang kaniyang amo na mas tatagal pa ang pagsasama nila ni Avelina. Tunay nga na mayroon pa rin talagang mga mabubuting amo ang natatagpuan ng ating mga kababayan.

Dahil sa kanilang pambihirang kasipagan at dedikasyon sa trabaho ay mas nakikilala at napupuri din tayong mga Pilipino ng mga dayuhan sa iba’t-ibang panig ng mundo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.