Connect with us

Viral

Isang Disneyland employee sa Paris ang usap-usapan ngayon matapos nitong hadlangan ang isang marriage proposal at kuhanin ang singsing sa lalaking nakaluhod at nagpopropose sa kaniyang kasintahan!

Published

on

Marahil marami sa mga mayroong karelasyon ngayon ang nangangarap na magkaroon ng isang “unforgettable” at “memorable” proposal. Lalong lalo na sa mga kababaihan na talaga namang kinikilig sa mga sorpresa at pakulo ng kanilang mga kasintahan.

Ngunit ano nga ba ang iyong gagawin at mararamdaman kung ang marriage proposal na napakatagal mo nang inaasam-asam ay mauudlot dahil lamang sa isang taong hindi naman ninyo kilala ng iyong kasintahan? Usap-usapan ngayon ang pangyayaring ito sa Disneyland Paris kung saan ang isang empleyado ay agad na sumingit sa nagaganap na proposal ng isang magkasintahan sa naturang amusement park.

Maraming mga netizens ang nagulat nang bigla na lamang kuhanin ng empleyado ang singsing na hawak ng lalaking nagpopropose sa harapan mismo ng kaniyang nobya! Makikita sa kumakalat na video ang nakaluhod na lalaki sa harapan ng isang napakagandang kastilyo sa parke.

Marami ding mga tao ang nakasaksi sa kaniyang ginawa kung kaya naman talagang naghihiyawan ang lahat ng naroroon. Hindi naman makapaniwala ang nobya na tila mangiyak-ngiyak pa sa hindi inaasahang pangyayari.


Ang lalaking empleyado na naging dahilan upang maudlot ang kanilang proposal ay nakasuot pa ng Mickey Mouse ears. Matapos nitong kuhani nang basta basta na lamang ang singsing sa lalaki ay itinuturo nito ang daan kung saan sila dapat magtungo ng kaniyang nobya.

Pinapababa niya ito kaagad kahit pa nga sila ay nasa kalagitnaan ng isang napakahalagang pangyayari sa kanilang buhay. Hindi rin naman magkamayaw ang mga tao roon dahil sa tila hindi kanais-nais na ginawa ng empleyado.

Maging ang mga netizens ay kaniya-kaniya rin ng komento at reaksyon patungkol dito. Tunay nga na madalas nang maganap ang mga ganitong klase ng insidente hindi lamang sa mga parke at hindi lamang sa mga marriage proposal.

Ngunit kung mapapakiusapan naman sana o mabibigyan ng kahit kaunting sandali lamang ang mga taong ito ay mas magiging maayos ang lahat. Agad din namang humingi ng tawad ang pamunuan ng naturang parke sa nangyaring ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.