Connect with us

Viral

Isang mag-asawa ang nakakita ng isang napaka-cute na tuta sa daan, ngunit nang kukuhanin na nila ito ay nagulat sila dahil mayroon pang tatlong tuta sa tabi nito!

Published

on

Tunay nga na napakasarap pagmasdan at alagaan ng mga tuta lalo na kung ilang buwang gulang pa lamang sila. Sa kasamaang-palad, hindi naman din lahat ng mga tuta na ito ay pinapalad na mapunta sa mga mabubuting kamay.

Mayroon kasing ilang insidente kung saan ang mga tuta na ito ay napapabayaan o di kaya naman ay inabandona na lamang sa daan. Kung gaano sila tatagal sa mapanganib na lugar kung saan sila inabandona ng kanilang mga amo ay talagang isang napakalaking pala-isipan pa.

Isang mag-asawa ang nakakita sa isang napaka-cute na tutang ito sa daan. Dahil nga talagang malapit sila sa mga hayop ay agad na bumaba ang isa sa kanila upang tingnan ang abandonadong tuta na ito.

Kukuhanin na sana nilang mag-asawa ang cute na tuta ngunit nang malapit na sila rito ay nagulat sila dahil mayroon pang tatlong tuta na kamukhang-kamukha ng naunang tuta na kanilang nakita. Dahil sa hindi na lamang isa kundi apat ang mga tuta na kanilang natagpuan ay agad na muna nila itong kinuha at pinag-usapan kung ano ang nararapat gawin sa mga ito.

Napagdesisyunan nilang kuhanin ang apat na tuta at iuwi sa kanilang tahanan. Marahil ay makakahanap din sila ng ilang mga pamilyang gustong mag-ampon sa mga ito.

Nang makauwi na sila, nakita ito ng biyenang babae at agad na tinanong ang mag-asawa kung bakit nila dinala ang mga tuta na ito sa kanilang tahanan gayong wala naman silang kakayahan na buhayin ang mga ito? Sinabihan niya ang mag-asawa na agad na ipamigay na ang mga tuta na ito at huwag nang pagtagalin pa sa kanilang tahanan.

Wala rin namang nagawa ang mag-asawa dahil totoo naman ang lahat ng tinuran ng biyenan na babae sa kanila. Mas mabuti na rin ang maipamigay nila ang mga tuta na ito sa pamilyang mag-aalaga at magmamahal talaga sa kanila kaysa naman mapahamak pa silang lahat sa mapanganib na lugar kung saan sila natagpuan ng mag-asawa.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.