Connect with us

Viral

Isang lalaking palaboy at walang tahanan noon, nakatanggap ng magandang gantimpala dahil sa kabutihan na kaniyang ginawa sa kaniyang kapwa!

Published

on

Madalas ay natatakot tayo sa mga taong grasa o taong palaboy na nakikita natin sa lansangan. Ito ay dahil sa kadalasang nananakit sila o di kaya naman ay sobrang mangulit makuha lamang ang kanilang kagustuhan.

Nakakalungkot isipin na marami sa kanila ang wala nang pamilya at nagtitiis na lamang manirahan sa bangketa o di kaya naman sa lansangan. Ngunit kahit papaano ay marami pa rin pala sa kanila ang talagang gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa.

Katulad na lamang 44 taong gulang na si Waralop mula sa Thailand. Maraming mga netizens ang humanga at talagang bumilib sa kaniya matapos niyang isauli ang napulot niyang Hermes na wallet sa isang mayamang negosyante na nakilala sa pangalang Niity Pongkriangyos.

Ayon sa naging pahayag niya, hindi niya talaga namalayan na nawala na ang kaniyang pitaka. Nang malaman niyang nawawala ang kaniyang pitaka na mayroong mga lamang credit cards at pera ay natanggap na niyang hindi na ito maibabalik pa sa kaniya.

Ngunit nagkamali siya sa kaniyang inakala dahil ibinalik ng palaboy na si Waralop ang kaniyang pitaka at kumpleto ang lahat ng nilalaman nito. Nais niyang bigyan ng 2,000 baht na pabuya ang matapat na si Waralop ngunit napagdesisyunan niyang bigyan na lamang siya ng trabaho at matutuluyan.

Makakatanggap siya ng A$800 na sweldo habang libre naman ang kaniyang pagtira sa tirahan ng mga empleyado ng kompanya. Maging ang asawa ni Niity ay hindi napigilan na bigyang-gantimpala si Waralop.

Namili sila ng mga damit at gamit niya sa isang mall. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagkabigla na ito na lamang ang huling beses na naranasan niyang pumasok at mamili sa isang mall. Marami din namang mga netizens ang nagkomento at nagsabing nararapat lamang kay Waralop ang mga bagay na natatanggap niya dahil likas ang kabutihan sa kaniyang puso na handang tumulong sa kaniyang kapwa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.