Connect with us

Viral

Isang binata na nagmahal ng isang single mom na mayroon nang tatlong anak, umani ng sari-saring komento mula sa publiko!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, talagang marami na rin tayong nabalitaan na mga magkakarelasyon na sa una ay talagang inuulan ng mga panghuhusga at pambabatikos. Halimbawa na lamang ang dalawang taong nagmamahal na mayroong malaking agwat sa kanilang mga edad.

Maaaring ang babae ay mas matanda sa karelasyon lalaki o di kaya naman ay mas matanda ang lalaki kaysa sa karelasyon nitong babae. Mayroon din namang ilang pagkakataon kung saan ang isa ay biyudo na o biyuda o di kaya naman ay hiwalay na sa asawa.

Kamakailan lamang ay marami ang nagkomento sa relasyon ng isang magkasintahang ito. Marami ang natuwa ngunit marami din naman ang napakunot noo sa relasyon ni DJ at Melai.

Binata kasi si DJ habang single mother naman si Melai. Mayroon na rin siyang tatlong mga anak mula sa una nitong asawa.

Marami ang humuhusga kay DJ dahil sa naging pagpili niya ng kasintahan at makakasama sa buhay. Maaari naman daw siyang pumili ng dalaga at walang anak ngunit mas ginusto niyang makipagrelasyon kay Melai.


Pinatunayan din naman ni DJ sa publiko na hindi siya nagkamali ng pinili. Dahil sa wagas na pagmamahal niya kay Melai ay nagkaroon siya kaagad ng tatlong mga anak na mahal na mahal niya at mahal na mahal rin siya.

Laking pasasalamat niya dahil hindi nagdalawang-isip ang mga anak ni Melai na ituring siyang tunay na ama nila. Sa ngayon ay mayroon na rin silang sariling anak ni Melai at nasasabik na silang masilayan ang kanilang Baby Number 4.

Tunay nga na hindi takot sa gampanin at responsibilidad si DJ. Kahit mayroon nang mga anak ang kaniyang minamahal ay hindi ito naging hadlang upang hindi niya siya panindigan at pangatawanan.

Laking pasasalamat din naman ni Melai dahil dumating sa buhay nila ng kaniyang mga anak ang isang taong tulad ni DJ. Sa ngayon ay naghihintay na lamang siyang mapawalang-bisa ang kasal nila ng una niyang asawa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.