Connect with us

Viral

Haring Ibon o Philippine Eagle, napakaloyal pala at isang beses lamang kung magmahal!

Published

on

Talagang nagulat ang publiko nang malaman nilang ang mga Philippine Eagle pala ay sobrang loyal at isang beses lamang kung magmahal! Nitong mga nagdaang buwan ay talagang maraming mga sikat na personalidad ang nababalitaan nating nagkakahiwalay na lamang basta-basta dahil sa panloloko at sa iba pang kadahilanan.

Nakakalungkot isipin dahil talagang marami tayong sumusuporta at nagmamahal sa kanila. Naging saksi din tayo sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan bago pa man sila makarating sa buhay mag-asawa nila.

Ninais din talaga nating makabuo sila ng masayang pamilya sa mahabang panahon. Ngunit sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nauuwi na lamang sa hiwalayan ang lahat.

Ayon sa naging post ng DENR Cenro Calaca, ang haring ibon ay isang beses lamang kung magmahal, loyal ito at talagang “may forever” kahit pa sabihing sila ay hayop lamang. Ayon pa sa ilang mga datos, upang mapansin sila ng kanilang nililigawan ay talagang gumagawa sila ng pugad at araw-araw silang nagdadala ng maliliit na mga dahon at sanga roon.

Sa ganitong pamamaraan ay naipapakita ng lalaking ibon na siya ay mayroong kakayahan na maging isang mabuting ama. Kinakailangan din na tuloy-tuloy o “consistent” ang ginagawang ito ng lalaking ibon upang magustuhan o matipuhan din siya ng kaniyang nililigawang babaeng ibon.

Naghahanap din ng pagkain ang lalaking ibon para sa kaniyang nililigawan at kapag busog na ang babaeng ibon ay saka lamang ito kakain. Talaga namang napakasweet nila hindi ba?
Kung sa ating mga tao ay madalas din nating maranasan ang mga ganitong klase ng panliligaw, kahit pala sa mga hayop ay nangyayari din ito. Nakakatuwa dahil aakalain mo talagang para din silang mga tao kung magligawan at magmahalan.

Tinataglay din pala ng ibang mga hayop ang mga katangian ng iilan sa atin tulad na lamang ng pagiging loyal sa ating minamahal. Hindi ito dapat ipagsawalang-bahala lalo na sa panahon natin ngayon na marami nang manloloko at naloloko.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.