Connect with us

Viral

Isang delivery man nakatanggap ng $12,000 o halos 624,000 pesos na tip mula sa TikTok family sa Utah dahil sa kasipagan nito at pizza greeting!

Published

on

Isang 89 taong gulang na delivery driver ang mapalad na nakatanggap ng $12,000 o halos 624,000 pesos na tip mula sa TikTok family sa Utah dahil sa kasipagan nito at pizza greeting! Gulat na gulat si Derlin Newey nang bigyan siya ng Valdez family, “TikTok family” ng “signed cheque”.

Mayroong mahigit sa 53,000 followers sa naturang platform ang pamilyang ito kung kaya naman marami talaga ang nakakakilala sa kanila. Namangha ang pamilyang ito sa delivery driver dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang nagtatrabaho pa rin ito.

Mas lalo silang natuwa sa naging greeting nito sa kanila, “Hello, are you looking for some pizza?” Pagkatapos niyang magdeliver sa naturang pamilya ay nakatanggap ito ng napakagandang tip.

Nagkakahalaga lang naman ito ng $12,000 o halos 624,000 pesos! Ayon naman kay Carlos Valdez na siyang nagsimula ng donation run, kailangan daw ito ng matanda at masaya sila dahil nakatulong sila rito.

“He needed this. I’m just glad we could help him. We just need to treat people with kindness and respect the way he does. He stole our hearts.” Pahayag ni Carlos.

Dagdag pa ng pamilya ay hindi raw sapat ang social security payment na natatanggap ni Newey upang mabayaran ang kaniyang mga gastusin sa araw-araw. Tunay ngang naging napakapalad niya dahil siya ang nakatanggap ng tulong ng sikat na pamilyang ito.


Hindi na siya ngayon mamomroblema sa kaniyang mga gastusin dahil napakalaking tulong na talaga ng tip na ito na natanggap niya. Labis man ang pagkagulat ay hindi pa rin nakalimutan ng matandang delivery driver na magpasalamat para sa kagandahang-loob ng buong pamilya sa kaniya.

Kung sana ay mas marami pang mga tao ang tumutulong sa kanilang kapwa, tiyak na mas magiging masaya at madali ang lahat. Hindi na mahihirapan pa ang mga taong deserving naman sa pagtulong ng mga taong may kakayanan sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.