Connect with us

Viral

Isang retired police dog, naluha nang muling masilayan ang kaniyang handler na umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Si WangWang ay isang walong taong gulang na German Shepherd. Siya ay nagtatrabaho bilang isang sniffer dog sa security checkpoint sa Xichuan area ng Henan Province.

Hunyo 2019 nang magretiro na ang asong ito. Dinala siya sa isang lugar kung saan makakapamuhay siya ng maayos at ligtas.

Ngunit nangangahulugan din ito na hindi na niya maaari pang makita at makasama ang kaniyang handler. Nito lamang isang buwan ay napag-isipan ni Police Officer Matan na sopresahin ang dati nitong alaga.

Nang marating niya ang bagong tahanan ng kaniyang alaga ay napansin niyang kilala pa rin siya ng aso. Agad na tumakbo si WangWang at dinilaan ang binti ng kaniyang dating tagapag-alaga.
“Wangwang’s hair is whitened, but he’s well-fed, he’s getting fat. It’s always hard to say goodbye to your friends.” Pahayag ng amo ni WangWang.

Talagang maraming mga netizens ang nagulat dahil hindi naman lahat ng hayop o aso ay naluluha ng ganito. Ilang mga netizens pa ang nagsabi ng mga komentong ito tulad na lamang ng mga sumusunod:

“Dog is a loyal friend, please treat him well!” Komento ng isang netizen.

“You can tell how much Wangwang misses his handler,” Pahayag naman ng isa pa.

Naibahagi pa ng Xichuan Police ang mga komentong ito:

“Police dogs are generally well-fed at training centers but our officers cannot dedicate their time to playing or exercising with retired dogs.”

“They will be better cared for in a suitable family than staying in a training center.” Dagdag pa nila.

Tunay nga na mabilis magtiwala ang mga asong ito sa kanilang mga tagapag-alaga kung kaya naman hindi natin dapat ipagsawalang-bahala ang damdamin ng ating mga alagang hayop. Maaaring maliit na bagay lamang ito sa iilan ngunit napakalaking bagay na nito para sa hayop na mayroong malaking tiwala sa kaniyang amo o tagapag-alaga sa loob ng mahabang panahon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.