Connect with us

Viral

Isang bumbero na tumulong sa isang single mother na makapanganak, inampon ang sanggol makalipas lamang ang dalawang araw!

Published

on

Ang pag-aampon ay hindi na bago sa panahon natin ngayon lalo na para sa mga mag-asawang hindi magkaanak o hirap magkaroon ng anak. Nagsisilbi rin itong pag-asa para sa mga anak na magkaroon ng bagong pamilya at bagong tahanan lalo na kung hindi na sila kaya pang suportahan o palakihin ng kanilang mga biological na magulang.

Tila ba isa na itong “win-win situation” para sa mga mag-aampon at mga batang inaampon. Nagkaroon din ng karanasan patungkol dito ang isang bumbero na bigla na lamang naging isang ama makalipas lamang ang dalawang araw.

Mayroon kasi siyang tinulungan na isang single mother na maayos at ligtas na makapanganak. Nangyari ito noong Nobyembre 14, 2011 nang ang bumbero na si Marc Hadden mula sa Myrtle Beach, South Carolina ay nakatanggap ng 911 na tawag mula sa isang single mother na ng mga panahong iyon ay nakakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.

Agad namang siyang rumesponde sa naturang tawag. Nang matagpuan ni Marc ang ginang ay batid niyang huli na ang lahat upang maitakbo pa niya ito sa ospital kung kaya naman siya na mismo ang tumulong dito upang makapanganak siya.


Hindi naging madali ang pangyayaring ito ayon kay Marc dahil kinailangan pa niyang bigyan ng emergency oxygen ang sanggol upang makahinga ito sa kaniyang sarili.

“She struggled from the minute she was put in my hands. It was amazing to hear her cry.” Pahayag ni Marc.

Nang makaraos na ang ina ng sanggol ay ipinagtapat nito kay Mark na hindi na niya kaya pang alagaan ang kaniyang supling dahil mayroon pa raw itong dalawang mga anak. Dahil noon pa man ay nais na ni Mark at ng kaniyang asawang si Beth na magkaroon ng isa pang anak, hindi na ito nagdalawang-isip pa na ampunin ang bata.

“I delivered a baby. Can we keep her? I think she might be going up for adoption.” Paliwanag ni Mark sa kaniyang misis na si Beth.

Labis naman ang kaligayahan ni Beth dahil noon pa man ay talagang nais na nilang magkaroon muli ng anak kahit pa nga mag-ampon silang mag-asawa. Tila ba naging sagot na sa kanilang dalangin ang babaeng sanggol na ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.