Connect with us

Viral

Isang misis na nagsasabing tila inaagaw ng kanilang pusa ang kaniyang asawa sa kaniya, nagbahagi ng ilang mga cute na larawan na talagang kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Napakarami na natin ngayong nababalitaan na hindi magagandang usapin patungkol sa mga sikat na personalidad na dating mag-asawa at mayroong maayos na relasyon ngunit ngayon ay nagkahiwalayan na. Madalas na dahilan ng mga hiwalayang ito ay “third party” o ang panloloko at pangangaliwa ng isa laban sa isa pa.

Napakasakit nito at talaga namang napakahirap kalimutan at patawarin. Ngunit iba-iba rin naman tayo ng sitwasyon kung kaya naman hindi rin natin masisisi ang iba kung bakit sila ay patuloy pa ring nagtitiis at nagsasakripisyo.

Sa kabilang banda, mayroon din palang mga cute at kakaibang third party sa pagitan ng mag-asawa. Kinagigiliwan ngayon ng publiko ang isang mag-asawa na ito mula sa Thailand na tila ba mayroong third party sa kanilang relasyon.

Ang third party pala sa kanilang pagsasama a yisang Scottish Fold feline! Ibinahagi pa nga ni Nasrin Hami ang ilang mga cute na larawan na nagpapatunay ng kaniyang mga naging pahayag.

Ang pangalan ng kanilang cute na pusa ay Jarvis. Bagamat mukha itong babae na madalas ay napagkakamalang female cat ng kanilang mga kaibigan, isa pala siyang lalaking pusa!


Talaga namang madalas niyang makita ang pusa nilang ito na lumalapit at naglalambing sa kaniyang mister. Madalas din ay nakukuhanan pa niya sila ng ilang mga larawan.

Matagal na rin si Jarvis sa mag-asawa, halos anim na taon na rin silang nagsasama kung kaya naman talagang panatag na panatag na ang loob nila sa isa’t-isa. Hindi maiwasan ni Nasrin na mapansin kung gaano kalambing ang kaniyang alagang pusa sa kaniyang asawa.

Kung hindi ito nakapatong sa braso ng kaniyang mister ay nakahiga naman ito sa kaniya o kung hindi man ay palagi nitong gustong nakalapit o nakatabi siya sa kaniyang mister. Basta’t nakaupo at mayroong ginagawa ang asawa niya ay palaging naroroon si Jarvis sa tabi nito na tila ba hindi na mapaghiwalay pa ang dalawa.

Tunay nga na nakakatuwang makakita ng mga ganitong klase ng “closeness” ng mga alagang hayop at kanilang mga amo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.