Connect with us

Viral

Isang lokal na artist na gumagawa ng “miniature barung-barong”, labis na kinagigiliwan ng publiko ngayon!

Published

on

Kahit noon pa man, marami na sa ating mga kababayang Pilipino ang nagpapamalas ng angkin nilang talento. Dahil dito ay mas marami ding mga Pilipino ang nakikilala sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.

Hindi lamang ang mga talentong ito ang hinahangaan ng marami kundi maging ang ating mga pambihirang ugali at personalidad. Isa na marahil sa mga local artists na hinahangaan ngayon ay si Jayson Muñoz o mas nakilala ng marami bilang si Nhoda.

Siya ay isang kilalang tattoo artist mula sa Mabalacat, Pampanga. Disyembre 2020 nang magsimula siyang gumawa ng kaniyang mga “miniature arts”. Ayon sa naging pahayag niya noon, likas na sa kaniya ang pagiging malikhain ngunit naging hamon talaga sa kaniya ang paghahanap ng mga materyales para sa kaniyang mga obra.

Matagal daw talaga ang ginugugol niyang oras para sa paghahanap ng mga recycled materials. Kailangan din daw niyang magawang makatotohanan ang kaniyang mga obra halimbawa na lamang ang mga yero na dapat ay magmukhang makatotohanan.

Talagang marami ang nagkainteres sa kaniyang mga likha ngunit hindi dito tumigil si Nhoda. Dahil hanggang sa ngayon ay gumagawa pa rin siya ng paraan upang mas makilala ng publiko ang kaniyang mga gawa.

Nariyan na ang pagsali niya sa iba’t-ibang mga grupo at ang pagkakaroon niya ng YouTube channel at Facebook page. Hindi rin niya pinalalampas ang paglahok sa mga patimpalak at kompetisyon.

Hindi lamang upang manalo siya sa mga ito kundi upang mas makilala pa siya ng mas maraming tao.

“Gusto ko lang namang isigaw gamit ang mga artwork ko na Pinoy ako, na ako po ito. Kapag successful na ang ating bansa, magsisilbing replicas na lang ng Philippine urban diorama ang mga creation ko. Wala na ang mga barung-barong, malalakas at malulusog ang mga Pinoy, at hindi ikakahiya ang kulay ng ating balat. Tiwala lang sa Panginoon, balang araw mangyayari yun.” Pahayag niya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.