Connect with us

Viral

Isang batang pangarap na maging guro paglaki niya, matiyaga pa ring sinasama at inaalagaan ang kaniyang maliit na kapatid habang nag-aaral!

Published

on

Edukasyon ang isa sa pinakamagandang maipapamana ng mga magulang sa kaniyang mga anak. Noon pa man ay madalas na natin itong marinig sa mga tao sa ating paligid.

Ngunit paano na lamang kung ang mga kabataan na dapat sana ay naglalaro lamang at nag-aaral ay kailangang magkaroon ng responsibilidad tulad ng sa kanilang mga magulang? Halimbawa na lamang ang isang mag-aaral na ito mula sa Katipunan Elementary School sa Bayunan City, Agusan del Sur.

Ibinahagi ng mismong guro niya na si Teacher Herarld Hope Tero-Mangle Apole ang kalagayan ng batang ito. Nang minsan daw niyang tanungin ang bata, naibahagi nito sa kaniya na nais niyang maging isang guro.

Kahit na hindi pa siya nakakakain ng almusal, o kahit wala pa siyang baon at suot na uniporme ay wala raw kaso ito sa kaniya. Basta’t siya ay makapasok at makapag-aral lamang. Mayroon din siyang maliit na kapatid na siya niyang inaalagaan sa araw-araw.

Kahit na sa murang edad ay nagsisilbi siyang magulang sa kaniyang kapatid ay hindi niya ito alintana basta’t makapasok lamang siya sa eskwela. Ang lahat ng kaniyang pagsasakripisyo ay dahil sa nais niyang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang guro balang-araw.

Marami ang talagang namangha sa batang ito lalo na at sa panahon ngayon ay hindi na talaga ito nabibigyan pa ng pagpapahalaga ng maraming mga kabataan. Marahil ay naibibigay na sa kanila ng kanilang mga magulang ang lahat ng kanilang kagustuhan kung kaya naman hindi na nila naiisip pang pahalagahan ang mas maraming mga bagay.

Kung sana ay mapapansin ng mga batang ito ang lahat ng pagsasakripisyo ng kanilang mga magulang para lamang sa kanila at sa pagkakaroon nila ng magandang kinabukasan, tiyak na mas magiging maganda ang buhay ng marami sa atin. Para naman sa mga magulang, nararapat lamang na maging responsable tayo pagdating sa ating mga anak.

Bago tayo magplano na magkaroon ng mga supling ay dapat alam natin ang maraming mga responsibilidad at obligasyon na kaakibat nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.