Connect with us

Viral

Isang cute na baby sloth ang muling nakasama ang kaniyang ina matapos nitong malaglag sa puno kung saan sila naninirahan!

Published

on

Napakaraming magagandang tanawin at lugar dito sa Pilipinas. Dahil dito ay hindi na nakapagtataka na marami nang mga dayuhan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang gustong makasaksi dito.

Sa kasamaang-palad dahil sa pandemya ay labis na naapektuhan ang ating turismo. Marami ding mga tao ang nawalan ng trabaho at mga negosyong napilitang magsara.

Sa ngayon ay unti-unti nang bumabangon ang maraming mga bansa mula sa mahirap na pangyayaring ito. Sa katunayan, isang nakakatuwang video ng mag-inang sloth ang napanuod ng publiko.

Natagpuan ng isang empleyado ng Jaguar Rescue Center sa Puerto Viejo de Talamanca, Costa Rica ang napakacute na baby sloth na ito na umiiyak matapos nitong malaglag mula sa puno na tinitirhan nila ng kaniyang mommy sloth. Agad namang tinulungan ng empleyado ang baby sloth at dinala ito sa isang beterenaryo upang masuri kung may natamo ba itong pinsala sa kaniyang pagkakalaglag.

Para naman maging alerto ang mommy sloth ay ni-record nila ang iyak ng baby sloth ba ito. Nang marinig ang iyak ng kaniyang anak ay agad namang bumaba ng puno ang mommy sloth.

Talaga namang nakakamangha at nakakatuwang makita ang mag-inang ito na tila ba na-miss masyado ang isa’t-isa. Maraming mga netizens din naman ang talagang natuwa sa kanilang napanuod na video dahil para bang tao rin magyakapan ang mag-inang sloth.

Marami din naman ang pumuri sa naturang empleyado dahil sa ginawa nitong pagsaklolo sa baby sloth. Tunay nga na napakarami nating nagiging karanasan sa araw-araw.

Maaaring maganda ito o hindi masyadong kagandahan para sa atin ngunit marami pa rin talagang magagandang bagay ang dapat nating ipagpasalamat. Tulad na lamang halimbawa ng mga “priceless moments” na ito ng mag-inang sloth.

Tunay nga na hayop man o tao ay mayroong natural at pambihirang pagmamahal at pagkalinga para sa kanilang mga anak na hindi matutumbas ng kahit ano mang bagay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.