Connect with us

Viral

Isang aso na nagbabantay sa kaniyang mga tuta, tila naluha nang makita niya ang isang mabuting estranghero na nagbibigay sa kaniya ng pagkain!

Published

on

Noon pa man, kapag sinabi nating pagmamahal ng isang ina, tiyak na wala nang makakapantay pa rito. Tao man o hayop ay talagang mayroong “maternal instinct” na tinatawag.

Hindi nila alintana ang panganib at pagsasakripisyo para lamang sa kanilang mga anak. Tulad na lamang ng isang aso na ito na kakasilang lamang ng kaniyang mga munting tuta.

Batid naman natin na likas na mababait ang karamihan ng mga aso ngunit kapag nagsilang o nanganak na ang mga nanay na aso ay talagang nagiging sobra ang proteksyon ng mga ito sa kanilang mga anak. Hindi papayag ang mga asong ito na mapahamak ang kanilang mga anak lalo na kung mayroong ibang tao sa kanilang paligid.

Kamakailan lamang ay isang video ang kumakalat online kung saan makikita ang isang nanay na aso kasama ang kaniyang mga anak. Masungit ang panahon ng mga oras na iyon kung kaya naman marahil ay hindi rin makahanap ng makakain ang kawawang aso.

Buti na lamang at mayroong isang mabuting estranghero ang nakakita sa kaniya at binilhan siya ng makakain. Bilang pag-iingat ay gumamit naman ng chopsticks ang mabuting estranghero, gamit ito ay nagbigay siya ng karne sa aso na noong una ay ayaw pang kainin ang ibinibigay niyang pagkain. Marahil ay nag-iingat lamang ito.

Ngunit kalaunan ay nagdesisyon na din itong kainin ang karne. Tiyak na gutom na gutom na ito kung kaya naman hindi na siya umayaw pa.
Sobrang naawa ang taong ito sa kalagayan ng mga aso kung kaya naman ninais niyang sila ay kuhanin at iuwi na lamang sa kanilang bahay. Ngunit tila ayaw pumayag ng nanay na aso dahil hindi pa rin niya pinagkakatiwalaan ng husto ang estranghero.

Marahil ay labis labis ang pasasalamat niya para sa pagkain na ibinigay nito ngunit hindi ito dahilan upang hayaan na lamang niyang sumama sila rito. Mas prayoridad pa rin nito ang kaligtasan ng kaniyang mga anak.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.