Connect with us

Viral

Isang lalaki, tumulong sa isang uhaw na uhaw na pusang ito na uminom ng tubig mula sa gripo!

Published

on

Marami sa atin ang talagang mahilig sa pag-aalaga ng mga hayop. Hindi na nakapagtataka na maraming mga Pilipino ang mayroong higit sa isang alagang pusa, aso, at iba pang hayop.

Nakakatuwa kasing mag-alaga ng mga ito, nakakatanggal ng stress at talagang nakakagaan ng pakiramdam. Isang video ang kumakalat ngayon sa social media kung saan makikita na ang isang maliit na pagmamalasakit ng isang lalaki ay nagsilbing inspirasyon sa marami na gumawa ng mas mabuting mga bagay hindi lamang sa kanilang kapwa kundi maging mga hayop.

Sa naturang video ay makikita ang isang lalaki na tinutulungan ang isang lalaking uminom ng tubig sa gripo gamit ang kaniyang mga kamay. Gamit ang mga palad niya ay sumalok ito ng tubig at inilagay sa bibig ng nauuhaw na pusa.

Hindi naman natakot ang pusa at agad itong uminom ng tubig. Napakarami ang natuwa sa video na ito dahil hindi naman madalas na makakakita tayo ng mga tao at hayop na talagang magkasundo kahit pa nga wala silang ugnayan o hindi sila magkakilala.

May kaniya-kaniyang komento ang mga netizens kung saan naganap ang video na ito, mayroong iilan na nagsasabing marahil ito ay isa sa mga washing station sa labas ng isang Mosque sa Turkey.
“Real happiness comes from little things. Pure joy for this man helping a stray cat to drink from a public fountain,” pahayag ni IFS officer Susanta Nanda.

Tunay nga na kahit napakarami mang kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa mundong ito, marami pa rin ang mga taong talagang handang tumulong sa iba. Hindi lamang sa kanilang kapwa kundi maging sa iba pang may buhay sa mundong ito.

Nagsisilbi din itong paalala na hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa sa buhay. Tulad ng pusang ito na labis ang pagkauhaw ay tiyak na mayroon ding darating at tutulong sa atin kahit papaano.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.