Connect with us

Viral

Labis na nasaktan ang lalaking ito nang makita niya ang kaniyang nobyang may ibang lalaki na dapat sana ay kaniyang sosorpresahin para sa kaniyang kaarawan!

Published

on

Isa na marahil sa mga pinoproblema ng karamihan sa atin ngayon ay ang pagkakaroon ng lovelife o buhay pag-ibig. Kahit mga teenagers ay talagang nagkakaroon na rin ng pagkakataon na makipagrelasyon sa kanilang mga kaklase, kaibigan, o kakilala.


Bagamat maraming mga magulang ang nag-aalala dahil dito, marami pa rin naman sa mga magulang ang pinapaalalahanan at pinagsasabihan ng maigi ang kanilang mga anak. Tunay ngang hindi biro ang usapin na ito dahil maging tayong mga matatanda ay madalas ding namomroblema tungkol dito.


Halimbawa na lamang ang isang lalaki na ito na hindi na nakilala ng publiko ang pagkakakilanlan. Nagplano siyang sorpresahin ang kaniyang nobya sa kaarawan nito ngunit laking gulat na lamang niya nang masaksihan niya mismo ang pagyakap ng nobya sa isang lalaki na di naman niya kilala.


Tumalon pa ang nobya niya sa lalaking ito upang mayakap at mahagkan ito ng husto. Kung kaya naman lumakas ang kaniyang kutob na hindi lamang sila magkaibigan o magkakilala kundi magkarelasyon.

Labis siyang nasaktan at napaluha pa nga siya ngunit nagawa pa rin niyang makuhanan ng larawan ang pangyayari na ito. Bumili pa naman siya ng magandang bulaklak para sa kaniyang nobya.


Ngunit sa halip na masorpresa ito ay siya pa ang labis na nasorpresa. Ibinahagi niya rin ito sa social media kung saan nilagyan niya ito ng caption na nakapukaw sa atensyon ng publiko.

Maraming mga netizens ang talagang nalungkot sa nangyari sa lalaki. Mayroon din namang iilan na nagbahagi ng sarili nilang mga karanasan tulad nang pangyayari na ito.

Tunay nga na hindi natin hawak ang puso at damdamin ng mga taong mahal natin kung kaya naman dapat ay batid din natin kung hanggang saan lamang ang ating emosyon at panahon na ibubuhos sa isang relasyon. Dapat din na pumili tayo ng karapat-dapat na taong mamahalin natin nang panghabang-buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.