Connect with us

Viral

Isang ginang, kinailangang mag-squat sa isang masikip na tren nang 40 minutes kandong ang kaniyang natutulog na anak!

Published

on

Kailan nga ba ang huling beses na naibigay mo ang iyong upuan sa tren o sa dyip sa isang taong mas nangangailangan? Naging tipikal na sa maraming mga Pilipino ang gawing ito.

Marami talaga noon ang nagbibigay ng kanilang upuan sa mga matatanda, may kapansanan, o di kaya naman ay mga nagdadalang-tao. Ngunit ngayon tila marami na ang nagbabalewala sa mga ganitong klase ng kaugalian.

Naging usap-usapan na rin ito nang mga lumipas na taon kung saan mas inuuna ng maraming mga indibidwal ang kanilang mga sarili kaysa sa mga taong mas nangangailangan. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang naantig sa nanay na ito dahil sa kinailangan niyang mag-squat na lamang sa loob ng isang masikip na tren dahil sa nakatulog na ang kaniyang anak na babae habang nasa biyahe.

Hindi na nabanggit pa kung saang lugar nangyari ito ngunit kapansin-pansin talaga na kahit mayroong mga priority seats sa naturang tren ay wala man lamang nagmalasakit o nagmagandang-loob sa mag-ina. Makikita sa ilang mga larawan kung paano nahirapan ang nanay sa pagkarga sa kaniyang natutulog na anak habang tangan tangan pa nito ang mga gamit nito.


Naging napakahirap at napakasakit ng kalagayan ng ina dahil halos 40 minuto din siyang naka-squat. Ayaw din naman niyang gisingin ang kaniyang anak na mahimbing na natutulog dahil marahil ay pagod din ito sa kaniyang klase.

Talagang maraming mga netizens ang nahabag sa kalagayan ng mag-ina na ito. Kung sana ay mayroong nagmalasakit sa kanila kahit isa lamang.

Isang patunay lamang ito na dapat tayong mas maging mabuti sa ating kapwa kahit gaano man kahirap ang ating sitwasyon o kalagayan sa ngaypn. Lalo na kung batid naman nating nahihirapan na sila nang husto.


Wala namang magiging kabawasan sa atin kung tayo na mismo ang magmamalasakit sa mga taong mas nangangailangan. Hindi na kailangan pang mag-asam tayo ng kahit anong kapalit dahil sabi nga ng marami, may karma para sa ating lahat.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.