Connect with us

Viral

Isang mag-asawa ang nagising na lamang na mayroong katabing isang misteryosong aso sa kanilang kama na hindi naman din nila alaga!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang talagang mahilig sa mga hayop. Marahil ito ay dahil sa nakakapagbigay talaga ng kaligayahan at nakakatanggal ng stress ang mga alaga nating hayop.

Mahirap man at hindi biro ang pag-aalaga sa kanila ay nasusuklian pa rin ito ng ngiti at katapatan mula sa kanila. Madalas din tayong nakakakita ng mga cute na aso at pusa sa mga malls at iba pang pampublikong lugar.

Maging ang mga gamit ng mga alaga nilang ito ay talagang mamahalin! Nakasanayan na rin ng maraming mga pet owners ang itabi ang kanilang mga alagang hayop sa pagtulog.

Ngunit ano nga kaya ang gagawin mo kung magising ka isang araw at makita mo sa iyong tabi ang isang misteryosong aso? Nangyari mismo ito sa mag-asawang Julie Johnson kung saan nagising na lamang siya isang umaga na mayroong isang malaking aso sa kaniyang tabi.

Nagtataka siya noon dahil warm ang kaniyang pakiramdam hindi tulad ng ibang mga gabi ngunit hinayaan na lamang niya ito. Nang kinaumagahan ay talagang nagtaka siya dahil malaking aso ang kaniyang katabi at ang nakakatakot pa rito ay hindi naman nila ito alaga!

Kampanteng kampante naman ang aso sa kaniyang pagkakahimbing kahit pa nga tila nagkamali siya ng bahay na inuwian at kwartong tinulugan. Wala namang problema kay Julie at sa kaniyang mister ang pangyayari ngunit nag-aalala din siya dahil maaaring nag-aalala na ang amo ng asong ito sa kaniya.


Sinubukan nilang hanapin ang kaniyang mga tagapag-alaga hanggang kalaunan ay natunton din ng kaniyang mga amo si Nala. Ang asong si Nala ay nawala ngunit agad din namang nakabalik sa kaniyang mga tagapag-alaga.

Buti na lamang at sa bahay ni Julie siya nakatulog at hindi sa ibang bahay. Maaaring sa una ay matatakot tayo kung sa atin nangyari ito ngunit kalaunan ay mapapaisip tayo na marahil ay natatakot din naman ang mga hayop sa tuwing mawawalay sila sa mga tagapag-alaga nila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.