Connect with us

Viral

Isang Japanese girl na hinahangaan ng marami online, isa palang tunay na lalaki na nasa 50 na ang edad!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, marami na tayong mga nagagawang bagay na noon ay hindi natin kayang gawin noon. Tulad na lamang halimbawa ng pagkakaroon natin ngayon ng mga social media apps kung saan maaari nating makausap ang mga mahal natin sa buhay kahit pa nga tayo ay nasa malayong lugar.

Nang nakaraang pandemya ay marami din sa atin ang nakinabang dahil sa pagkakaroon natin ng mga online services tulad na lamang sa pagbabayad ng mga bills o pagbili ng mga mahahalagang pangangailangan natin kahit di na tayo lumabas ng ating mga bahay. Malaki ang naitulong nito sa atin upang hindi na tayo mahawa pa ng nakakatakot na sakit.

Kamakailan lamang ay mayroon na namang nakakatuwang social media app ang tinatangkilik ng publiko. FaceApp kung tawagin ito at talagang marami ang naeengganyang gumamit nito.

Mas napapaganda kasi nito ang ating pisikal na anyo. Sa katunayan, mayroon pa ngang isang Japanese girl ang talagang pinupusuan ng publiko online dahil sa pambihira niyang kagandahan.

Ngunit ang inakalang magandang dalaga ay isa palang Japanese man na nasa 50 na ang edad!


“I’m an uncle in his 50s who usually works from home. I’m addicted to FaceApp, and I’m uploading selfie photos with cute processing.” Pahayag ng naturang Hapon na tuwang-tuwa sa kinakalabasan ng kaniyang mga larawan sa naturang app.


Sa ilang mga larawan niya ay kitang-kita talaga ang pambihirang ganda ng isang dalaga ngunit sinong mag-aakala na siya pala ay isang lalaki talaga? Patunay lamang ito na hindi tayo dapat maging kampante sa mga bagay na nakikita natin online.

Marami din kasing mga masasamang-loob na talagang nanloloko ng ibang tao para lamang sa kanilang pansariling interes. Buti na lamang at hindi siya tulad ng ibang tao dahil mas nais pa rin niyang ipaalam sa publiko ang tunay niyang pagkatao at sinabi din niyang nais lang niyang gamitin ang app na ito dahil sa nakakatuwang mga features nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.