Connect with us

Viral

Isang nanay, dala ang kaniyang dalawang anak habang nagtatrabaho sa isang courier service!

Published

on

Marami ang naantig sa larawan ng isang nanay na ito na talaga namang nagsusumikap sa kaniyang trabaho. Hindi alintana ang mahirap na kalagayan niya kahit pa nga kasama niya ang dalawang anak niya.

Ang nanay na ito ay nakilala bilang si Lada Koroleva na 19 na taong gulang. Siya ay isang delivery rider ng service courier na Delivery Club.

Naninirahan siya sa isang apartment sa Moscow kasama ang kaniyang asawa. Kahit pa nga dalawa na ang kanilang anak ay siya pa rin ang talagang naghahanap-buhay at nag-aasikaso sa mga ito.

Samantala, ang kaniyang asawa naman ay walang ibang ginawa kundi ang maglaro lamang ng video games maghapon sa kanilang bahay. Dahil dito ay mas minabuti na lamang ng ina na siya na ang talagang kumilos at mag-alaga sa dalawa nilang anak.

17 taong gulang lamang siya noon nang isilang niya ang panganay nilang anak kung saan dala-dala niya rin ito sa stroller habang siya ay nagdedeliver. Ngayong dalawa na ang kaniyang mga anak ay mas naging mahirap ito sa kaniya ngunit patuloy pa rin siyang nagsusumikap para sa kanila.

Maraming mga netizens ang nakasaksi sa kalagayan niyang ito at talaga namang maraming papuri ang natanggap niya dahil dito. Marami din ang nagkomento na dapat daw ay ang kaniyang asawa ang nagtatrabaho para sa kanilang mag-iina at siya na lamang ang nag-aalaga sa kaniyang mga anak.


Ngunit dahil nga sa tila tamad talaga ang kaniyang asawa na walang ibang ginawa kundi ang maglaro lamang maghapon ng video games ay talagang magiging mahirap ito para sa kaniya. Isang patunay lamang ito na kahit gaano kahirap ang sitwasyon ng mga ina, tiyak na gagawa at gagawa sila ng paraan mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Kung hindi man sila biyayaan ng mabuting asawa ay tiyak na pagkakalooban naman sila ng Diyos ng kalakasan at katatagan sa maraming hamon ng buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.