Connect with us

Viral

Isang Mime ang namataan sa Sea World na tila pinapangaralan ang isang daddy na hindi tinutulungan ang kaniyang asawa sa pagbitbit ng kanilang mga gamit at pagbuhat ng kanilang anak!

Published

on

Bilang mga magulang, wala naman tayong ibang nais kundi ang ikabubuti ng ating mga anak, ng ating buong pamilya. Noon pa man ay talagang sinisikap na nating magkaroon ng maayos na buhay kasama ang mga mahal natin sa buhay.

Ngunit darating at darating din ang panahon na magkakaroon tayo ng problema na kadalasan ay kayang-kaya din naman nating solusyunan. Marami ang nakapansin sa mime na ito habang tila sinisita ang isang ama na walang ibang dala kundi ang kaniyang sarili lamang habang ang kaniyang misis ay mayroong dalang bag at buhat pa ang kanilang anak.

Ang naturang pangyayari ay napansin ng marami sa TikTok, naganap ito sa isang theme park sa Orlando, Florida. Ayon sa naturang video, napansin ng mime na naglalakad ang babae na maraming dala-dala kasama ang maliit nitong anak.

Agad naman niya itong hinabol at tila sinabihan kung bakit siya lamang ang maraming dala-dalang gamit habang ang kaniyang mister sa likuran ay walang dala na kahit ano. Ang naging pag-uusap nila ay tanging senyas, kumpas, at walang boses kung kaya naman talagang agad din silang napansin ng mga taong naroroon.

Natawa ang babaeng may dalang anak habang agad din namang kinuha ng asawa nitong si Nick ang dala-dala ng babaeng nakilala bilang si Michelle. Nang kuhanan naman ng pahayag itong si Michelle ay sinabi nitong tinutulungan lamang niya ang kaniyang asawa na marami na ring ginawa nang araw na iyon.
Nariyan na ang pagbubuhat sa kanilang anak, pag-aalaga at pagpapakain nito. Nais lamang daw ni Michelle na kahit papaano ay makapagpahinga ang kaniyang asawa.

Wala din daw dapat ipag-alala ang publiko kung inaakala nilang hindi maganda ang trato sa kaniya ng kaniyang kabiyak. Dahil noon pa man ay talagang tinutulungan na daw siya nito sa lahat ng bagay hindi lamang sa pag-aalaga ng kanilang anak.

@fiestascondjnova I was on vacation at SeaWorld in Orlando Florida and this happened. #FYP ♬ original sound – Ernest

Mapalad din daw siya na si Nick ang kaniyang asawa at ama ng anak nilang si Kalliope.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.