Connect with us

Viral

Isang dating Pinay nanny na naging malapit sa pamilyang kaniyang pinagsilbihan noon, sinorpresa ang kaniyang alaga sa araw mismo ng kasal nito!

Published

on

Noon pa man, hindi na lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino na karamihan sa ating mga kababayan ay nangingibang-bansa upang doon ay magtrabaho at kumita ng mas malaking pera na ipinapadala naman nila sa kanilang mga mahal sa buhay. Hindi nila alintana ang hirap ng buhay sa ibang bansa, at ang mga sakripisyo kanilang kinakaharap matupad lamang ang kanilang mga pangarap.

Isa na marahil sa mga kababayan nating ito si Nanay Lita. Si nanay Lita ay mapalad na napunta sa mababait niyang mga amo kung saan siya nag-alaga ng dalawang batang Singaporean.

Kamakailan lamang ay nakilala ng marami si Kelly, ang isa sa mga naging alaga niya ng halos 27 taon din. Noon pa man ay talagang naging malapit na siya kay nanay Lita dahil sa pagiging maalaga nito at pasensiyoso sa kanilang magkapatid.

Madalas din silang pinapayuhan ni nanay Lita patungkol sa maraming bagay. Napakarami nilang pinagsamahan at marami na rin talaga siyang natutunan sa kaniyang Pinay nanny.

Ngunit taong 2018 ay kinailangan nang magretiro ni nanay Lita at umuwi dito sa Pilipinas. Naging maginhawa din naman ang pag-uwi niya dahil nakapagpundar na siya ng bahay at lupa at anim na hektaryang lupain sa kanilang probinsiya kung kaya naman hindi na magiging mahirap para sa kaniya ang pagreretiro.


Sa araw ng kasal ni Kelly ay pangarap niya sanang makarating si nanay Lita na naging malaking parte din ng kaniyang buhay. Ngunit dahil sa ilang problema sa kaniyang passport at insurance ay hindi na raw ito makakarating pa.

Sumapit na ang araw ng kasal ni Kelly at laking gulat nito dahil nagawang makarating ng kaniyang Pinay nanny sa espesyal na okasyon na ito. Talaga namang masayang-masaya si Kelly dahil sa wakas ay muli niyang nakasama ang kaniyang Pinay nanny na si nanay Lita sa tulong na rin ng kaniyang kapatid.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.