Connect with us

Viral

Isang dating riles boy, ngayon ay isa nang matagumpay na negosyanteng kumikita ng isang milyong piso kada buwan dajil sa kaniyang siomai business!

Published

on

Nagsilbing inspirasyon ngayon sa marami ang dating riles boy lamang na si Henry Guruta. Ngayon kasi ay isa na siyang milyonaryo dahil sa kaniyang siomai business.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay marami na talaga siyang napagdaanang paghihirap bata pa lamang siya. Sa riles ng tren sila nakatira noon ng kaniyang ama at dalawang kapatid.

Iniwanan kasi sila ng kanilang ina noon siya ay sampung taong gulang pa lamang. Sa murang edad ay natuto na siyang magbanat ng buto.

Lumipas pa ang ilang taon at nabuntis naman ang kaniyang kapatid na babae. Dahil dito ay kinailangan niyang mas magsumikap pa upang matulungan ang nakababatang kapatid.

Sa kabila nito ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na balang-araw ay aasenso din sila. Marami siyang pinasok na trabaho noon habang nag-aaral siya ng kolehiyo.

Hindi pa nagtagal at nakapagtapos na nga siya ng pag-aaral at nagdesisyon na makipagsapalaran sa Nueva Ecija. Nakilala naman niya dito ang kaniyang asawang si Jen.

Magkatuwang silang sumubok ng negosyo kung saan naisipan nilang gumawa ng homemade recipe nila ng siomai. Mayroon din silang munting stall o tindahan kung saan nila ito binebenta.


Talagang pumatok ng husto ang kanilang produkto at hindi pa nagtagal ay nagkaroon na sila ng 500 na mga branches sa iba’t-ibang panig ng bansa. Dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtitiyaga ay nakapagpundar na rin sila ng walong truck para sa kanilang negosyo, bahay at lupa at magagarang mga sasakyan.

Sa ngayon ay isang milyong piso na ang kinikita niya buwan-buwan sa kaniyang negosyo.

“Yung mga hardships ko sa buhay noon, talagang nagamit ko siya ngayon. Na-apply ko sa buhay ko ngayon,” Pahayag ni Henry.

Tunay nga na kahit gaano pa kahirap ang buhay natin sa ngayon, darating din ang tamang panahon upang tayo ay maging matagumpay. Kailangan lamang nating kumilos at humingi ng paggabay sa Diyos.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.