Connect with us

Viral

Isang bride ang nagpakasal sa ibang lalaki matapos maglasing ng husto ang kaniyang groom sa araw mismo ng kanilang kasal na naging dahilan din upanga maudlot ang seremonya!

Published

on

Sa Rajasthan’s Churu district sa India, isang bride ang nagdesisyon na magpakasal na lamang sa ibang lalaki matapos na maglasing at maging pabaya ng kaniyang groom sa kanilang baraat. Ang Baraat ay ang prusisyon ng groom sa isang seremonya ng kasal sa India.

Ayon sa ilang mga ulat, alas-nuwebe ng gabi ng magsimula ang Baraat sa bahay ng bride. Ngunit ang ginawa ng kaniyang groom ay nakipag-inuman muna sa kaniyang mga kaibigan hanggang sobra nang na-delay ang seremonya.

Hindi rin nagpaawat sa pagsasayaw ang groom kung kaya naman mas nagalit ang bride nang malaman ang kapabayaan niyang ito. Habang naghihintay naman ang pamilya ng bride sa pagdating ng kaniyang mapapangasawa, nagdesisyon na siyang pabalikin na at huwag nang ituloy ang Baraat.

Nagdesisyon na din ang kaniyang pamilya na ipakasal siya sa ibang lalaki. Nang makarating naman ang groom at buong pamilya nito sa venue ng kasal nila ay nagulat silang lahat dahil naikasal na sa ibang lalaki ang naturang bride.

Nang kinabukasan ay agad na nagtungo sa pulisya ang groom at pamilya nito upang magreklamo laban sa pamilya ng bride. Ngunit pinagdiinan naman ng pamilya ng babae na hindi tama ang ginawa ng groom sa araw mismo ng kanilang kasal at hinding-hindi nila mapapayagan ang ganitong klase ng pag-uugali.

Matapos ang pag-uusap ng dalawang pamilya ay napagkasunduan na lamang nilang huwag nang ituloy ang kasalan dahil sa ilang mga family issues na kanilang kinakaharap. Hindi naman mabilang ang maraming mga netizens na nagkomento patungkol dito.

Para sa nakararami ay tama lamang ang ginawa ng bride dahil sa kalapastanganan sa kaniya ng groom. Hindi man lang ito nagkaroon ng kahihiyaan sa pamilya ng bride at sa mga taong nakasaksi sa kaniyang naging asal.

Kitang-kita rin naman ang pagsisisi ng groom dahil sa halip na kasal na sana siya ay hindi pa natuloy dahil mismo sa kaniyang kagagawan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.