Connect with us

Viral

Isang ibon na palaging nagnanakaw ng pagkain sa isang supermarket, wanted na matapos magnakaw ng halagang $374!

Published

on

Madalas na namamangha tayong makakita ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid. Tila ba kasi napakasarap nang ganoong pakiramdam na ikaw ay malaya at kahit anong gawin mo ay ayos lang.

Hindi rin naman nagugutom ang mga ito dahil napakaraming pagkain ang kaya nilang makuha sa kanilang kapaligiran. Tunay ngang nakakamangha ang mga ganitong klase ng ibon.

Kung sa ating mga tao marahil ay masasabi din ng mga ito ang sikat na katagang kung may tiyaga ay may nilaga. Ngunit tila kakaiba naman ang diskarte ng isang seagull na ito na ngayon ay wanted na matapos magnakaw ng halagang $374 sa isang Tesco store sa Paignton, Devon.

Kitang-kita sa akto ng ibon na ito habang dahan-dahan na papasok sa naturang establisyemento. Ilang segundo pa at agad din itong lumabas na mayroon nang dala-dalang pagkain o chips!

“Steven Seagull” kung tawagin ang ibon na ito ng mga tao roon. Hindi lamang daw ito minsan nangyari dahil tatlong beses sa isang araw siya kumukuha ng pagkain dito.

Ayon pa sa ilang mga tauhan ng tindahan, halos nasa 17 kilo na raw ng pagkain o halos nasa $374 na halaga na ng mga produkto ang nakukuha nito sa kanilang tindahan. Maaari pa daw mas maging mataas ang halagang ito.


“I’ve seen him go in a few times. This time he hopped onto my car bonnet so I started recording – I knew he was up to something. He jumped down and started chewing gum off the floor, then he walked into the shop and ran off with a pack of Mini Cheddars.” Pahayag ni Liam Brown na siyang kumuha ng naturang video ni Steven Seagull.

“It’s a common occurrence. We think it’s the same seagull. It happens at least once a day, often three times. He’s very fussy but Doritos are his favourite. We have to shoo him away because we don’t want to lose the stock. We’re always keeping an eye out.” Pahayag pa ng isang tauhan ng Tesco na hindi na humiling na itago ang kaniyang pangalan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.