Connect with us

Viral

Hindi naniwala ang kaniyang mga guro at kaklase na tito niya si Superman at sinabihan pa siyang sinungaling kung kaya naman pumunta mismo ang kaniyang tito na si Henry Cavill sa kanilang eskwelahan!

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakakilala kay Superman? Kahit saang sulok ka ng mundo yata magpunta ay talagang kilalan-kilala na ang superhero na ito.

Marami na rin ang mga gumanap sa karakter na ito at isa na nga riyan si Henry William Dalgliesh Cavill na 39 na taong gulang na British actor. Minsan na niyang ibinahagi sa isang live interview ang naging karanasan ng kaniyang pamangkin na nasabihan pa raw na sinungaling ng kaniyag mga guro at kamag-aral nang sabihin nitong tito niya si Superman.

Nagsimula ito nang pumasok sa kanilang paaralan si Thomas, pamangkin ni Henry, na nakasuot nang damit na mayroong tatak na Superman. Nang araw na iyon ay pinagkukwento ang mga bata patungkol sa kanilang mga pamilya.

Nang tanungin naman ng guro ni Thomas ang bata kung bakit siya nakasuot ng Superman tshirt, sinabi nitong “Because my uncle is Superman.” Buong kompiyansa itong sinabi ng bata sa harapan ng kaniyang guro at mga kamag-aral.

Ngunit kalaunan ay pinatawag na lamang si Thomas ng kaniyang guro at sinabing huwag daw itong mamuhay sa delusion o maling akala. Nang dumating na ang oras ng uwian ay sinabi muli ng guro ang nangyari sa nanay ni Thomas.

Dapat daw pagsabihan ng ina ang kaniyang anak dahil sa pagsisinungaling nito. Agad namang sinabi ng kaniyang ina na totoo ang sinasabi ng bata. Dahil sa hindi pa rin naniniwala ang mga tao sa paaralan ng kaniyang anak ay napagdesisyunan na niyang kausapin si Henry tungkol dito.

Agad din namang pumunta si Henry sa eskwelahan ni Thomas at nilinaw na totoong tito siya ng bata at kailan man ay hindi ito nagsinungaling o namuhay sa maling akala lamang. Tunay nga na hindi tama na husgahan natin ang isang bata o ang isang tao nang basta-basta na lamang.

Matuto tayong tumanggap na mayroon talagang mga taong talagang pinagpala higit sa atin, tulad ni Thomas na ang tito pala ay si Superman mismo!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.