Connect with us

Viral

Retiradong mag-asawa sa Europe, nag-renta ng bahay na gawa sa 3D-printing technology at natapos lamang sa loob ng 5 araw!

Published

on

Ibang-iba na talaga ang teknolohiya noon at ngayon hindi ba? Napakarami nang nakakamangha at nakakabilib na bagay ang talagang nakikita at nagagamit natin.

Ang teknolohiya ay nagagamit na rin sa pagpapagawa ng bahay o construction industry. Kung noon ay talagang gawa sa bato at semento ang maraming mga bahay, ngayon ay maaari na palang gumamit ng 3D-printing technology.

Patunay na ang mag-asawang Dutch na ito na lumipat na sa kanilang bagong tahanan na natapos lamang sa loob ng limang araw! May 2021 nang manirahan ang mag-asawang ito sa naturang bahay at talagang napukaw nila ang atensyon ng marami.

Ayon sa ilang mga artikulo, ang naturang bahay ay talagang napakaganda ng interyor sa labas at loob. Hindi mo talaga aakalain na limang araw lamang itong ginawa.

Ang unang mga tenants ng pambihirang bahay na ito ay walang iba kundi ang mag-asawang Elize Lutz at Harrie Dekker, 70 at 67 taong gulang. Nanirahan sila sa 94 square meter na bahay na ito na mayroong dalawang kwarto.

Nasa US$960 (£695) ang kanilang bayad kada buwan. Matatagpuan ito sa Eindhoven, Southern Netherlands.

“It’s a form that’s unusual, and when I saw it for the first time, it reminds me of something you knew when you were young. The house is beautiful!” Pahayag ni Elize na isang retired housekeeper.

Digital key ang gamit ng mag-asawa sa pagbubukas ng kanilang bagong bahay.

“It has the feel of a bunker – it feels safe. When I first entered the house, I found that the furnishings inside were even more unbelievable!” Pahayag naman ni Harrie.

Kapansin-pansin na ang kulay ng interyor nito sa loob ay minimalist lamang – grey, white, at black. Maaari itong maikumpara sa isang mini private villa.

Ayon naman sa Eindhoven University of Technology professor na si Theo Salet, ang paggamit ng 3D-printing technology sa pagtatayo ng mga bahay ay makakabawas ng 30% ng mga materyales na dapat gamitin at mas maiksi rin na panahon ang gugugulin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.