Connect with us

Viral

Isang tatlong taong gulang na bata ang hindi napigilang humagulgol ng husto matapos niyang makita ang OFW niyang lolo na paalis muli!

Published

on

Hindi na napigilan ng batang ito na tatlong taong gulang ang kaniyang emosyon nang makita niya ang kaniyang lolo na papaalis muli patungo sa ibang bansa. Ang lolo niya kasi ay isang Overseas Filipino Worker (OFW). Ang batang ito ay nakilala sa pangalan niyang Sebby.

Talagang malapit siya sa kaniyang lolo Joel kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pag-aalburuto nang malamang aalis na naman ito. Walang ibang sinasabi ang bata kundi “Ayaw, ayaw, ayaw. Ba-bye” habang umiiyak ng husto.

Ayon sa nanay ni Sebby na si Kyra Agustin, apat na buwan din nilang nakasama ang kaniyang ama sa naging bakasyon sa Pilipinas. Paalis na kasi ang dad ko niyan after four months of vacation. Si Sebby po kasi yung parang naging bunso ng parents ko, lagi nilang kasama si Sebby so sobrang na attach na siya sa kaniya.” Pahayag ni Kyra.

Dagdag pa niya, ang akala daw ni Sebby ay kasama siya ng kaniyang lolo na aalis habang sila ay papunta sa paliparan. Ipinaliwanag din naman daw nilang kailangang umalis ng kaniyang Lolo Joel upang magtrabaho sa ibang bansa at babalikan na lamang ulit ito sa kanila.

Sandaling naintindihan ito ng bata at tumigil na sa pangungulit ngunit nang dumating na ang oras ng pagpapaalam nila kay Lolo Joel ay hindi na naman nito mapigilang magwala at umiyak nang husto. Ang kaniyang lolo ay nagtatrabaho sa United Kingdom bilang isang lineman nang halos 14 na taon na.

Pasko at Bagong Taon lamang siya nakakauwi at nakakapagbakasyon dito sa Pinas. Sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa dalawang milyong views sa TikTok ang kanilang video.

@sebbyzia We’ll see baba again soon, Sebby. ☺️#fyp#ofw#babiesoftiktok #foryoupage ♬ Orange 7 – Anime Quotes

Tunay ngang pamilyar na ang mga ganitong eksena patungkol sa ating mga Pilipino. Ilang dekada na ring umaalis at bumabalik ang mga mahal natin sa buhay, kumita lamang ng mas malaki sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.