Connect with us

Viral

Isang aso masayang naglaro sa putikan, binitbit ng kaniyang amo pauwi sa kanilang tahanan upang linisan!

Published

on

Isang tatlong taong gulang na Labrador retriever ang talaga namang napakakulit at hindi nauubusan ng enerhiya. Madalas ding naikukumpara ang mga ganitong breed ng aso sa mga Siberian Husky ngunit talagang hindi maikakaila na paborito ng mga Labrador ang magtampisaw sa tubig at maglaro sa putikan.

Maraming mga netizens ang nakasaksi sa ilang mga larawan na ito ng isang lalaki at alaga niyang aso na animo’y naglangoy sa putikan. Sa unang tingin aakalain mo ring estatwa ang mga ito ngunit un pala ay punong-puno na sila ng dumi sa katawan.

Mayroon ding ilang mga netizens ang nagsasabing inakala nilang bata ang dala-dala ng lalaki na may hawak ng patpat, yun pala ay isang aso!

“It looks like a child from a distance, but it’s a dog when they come closer.” Pahayag ng isang netizen.

Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo, ang lalaking ito pala ay nagbakasyon muna sa probinsiya upang makasama ang kaniyang mga kamag-anak roon. Kasama niya ang kaniyang alagang aso sa naturang bakasyon.

Isang araw ay inakala niyang magiging behave ito habang naglalaro sa kanilang bakuran ngunit hindi nagtagal at agad na sinabi sa kaniya ng anak ng kanilang kapitbahay na maduming-madumi na nga ang Labrador na naglaro sa putikan. Agad namang pinuntahan ng amo ang kaniyang alaga na kahit tinatawag na niya ay hindi pa rin siya pinapansin.

Dahil dito ay labis na nagalit ang amo kung kaya naman agad niyang binuhat ang kaniyang alaga at dinala sa kanilang bahay upang malinisan. Matapos makita ng maraming mga netizens ang naturang mga larawan ay talagang kaniya-kaniya sila ng komento at opinyon patungkol dito.

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento:


“I’m sorry, I want to laugh first.”

“I thought it was a child at first, but later I saw that it was a dog!”

“Go home and then slowly clean up.”

“Walking clay sculpture!”

“This big brother is not bad. To save his Labrador, he went into the mud.”

“The slipper on the left foot records the owner’s top speed.”

“The more I look, the more I want to laugh!”

“The child can still wash the dog.”



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.